Chapter {31}

2.9K 74 29
                                    

A/N: Hi winstar! :) Para sa'yo 'to! Sana magustuhan mo! *wink*

By the way, yung gif sa right side... si Andrew at Lacey yun. Hihi. 

ENJOY! :)

Vote & Comment please. 

____________________________________________________________

Chapter 31

“It takes a strong heart to love but it takes a stronger heart to continue to love after getting hurt.” 

Lacey’s POV

Kaaalis lang nila Therese. Nag-alala kasi sila sa’kin e, sinumbong kasi ako ni Yvonne sa kanila na tulala lang ako at hindi ako kumakain.. Napagalitan pa tuloy ako. -_- Pero okay lang, at least nakausap ko sila. Nakwento ko na rin yung mga sama ng loob ko. Guess what?

Hindi sila galit o naiinis kay Calix.. kundi.. “SA’KIN” 

Ganun nila ako kamahal e. Gusto nila talagang isampal sa’kin mga katangahan ko.

Ha ha ha. Naiintindihan ko naman e. Besides, tama naman sila. *sigh*

Bumangon ako mula sa hukay… dejoke. Bumangon ako sa pagkakahiga dito sa kama. Yes, hindi ako pumasok. Ayoko pumasok ngayon. I feel so hot. Haha joke. Seriously, parang ang init ko. Ang sama ng pakiramdam ko e. Siguro dahil ‘to sa sama ng loob ko.

Bumaba ako para kumuha ng pagkain at gamot. Kailangan kong alagaan yung sarili ko. Wala pa naman si Luke-karet tapos mukhang badtrip pa rin siya sa’kin kasi niya ako pinapansin! Nakakainis.

Habang kumukuha ako ng pagkain biglang may nag-doorbell? Istorbo, kung sino ka man! Lumakad na ako papunta sa gate..

o____o

.

.

.

“Andrew?” gulat kong tanong. “A-anong ginagawa mo dito?” pag-uusisa ko pa. Ngumiti lang siya at dire-diretsong pumasok sa loob ng bahay.

“Nag-alala lang ako sa’yo, dahil sabi ni Therese mukha ka daw bangkay. De biro lang kasi mukha ka daw may sakit.” Sabi niya sabay upo sa sofa.

“Ganun ba? Mukha ngang meron Andoy e..” sabi ko sa kanya. Natawa naman siya at binawian ako.

“Talagang Lelang? Patingin nga.” Sabi niya tapos hinawakan ako sa noo. “Meron nga.” Seryosong sabi niya.

Teka nga. Kung nagtataka kayo sa tawagan at ikinikilos namin ni Andrew, lilinawin ko lang. Kaibigan ko na si Andrew diba? After the blind date palagi kaming magkausap.. Alam niyo yun. Madalas ko rin siyang nakakasama lalo’t wala yung mga best friends ko. Sa kanya kasi ako palagi binibilin nila Therese e. Kaya naging close na rin kami. Nung nasa California din ako, magka-chat kami o kaya video call. Makulit kasi ‘to e. Nagkukwento siya ng kung anu-ano, syempre ako rin. Alam na rin niya lahat. Siya lang ang nakakaalam ng lahat lahat.

Ewan ko ba, ‘di nga katiwa-tiwala ang mukha nito pero pinagkakatiwalaan ko talaga siya ng sobra. Hahaha. Nagtataka nga rin siya e, kasi bakit ko daw ba shine-share halos lahat sa kanya. ‘Di ko daw ba iniisip na baka traydor pala siya. HAHAHA. Tawa ako ng tawa kapag sinasabi niya yun.

I am Loveless ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon