A/N: This is dedicated to ate yssaalmonte! Thank you ate! Mwah mwah tsup tsup!
____________________________________________________________
Chapter 1
Lacey's POV
Grabe. Walang man lang magpaupo kahit isa? Sila prenteng prenteng nakaupo at yung iba nagsa-soundtrip pa, samantalang kaming mga babae kulang nalang gumulong gulong at tumilapon sa labas. Lumapit na sakin yung kondoktor..
“Miss, bayad mo?” sabi niya. Inabot ko naman sa kanya yung 10 pesos.
“Ilan 'to miss?” tanonng niya. Seryoso ba siya? Ilang tao kaya ang kasya sa 10 PESOS? Eh 10 pesos ang pamasahe ng ISANG TAO dito sa bus.
“Dalawa yan kuya. Bakit magkano na po ba ang pamasahe ngayon? Bumaba po ba? Kasya ho ba sa ilang tao yang sampung piso ko?” pamimilosopo ko. Nakakainis. Obvious naman na mag-isa ako eh! Napakamot naman si kuya sa batok niya. Gets na niya. Buti naman. Hahaha. Nakakaloka.
Maya maya may matandang babaeng sumakay, in short lola. Kung nakaupo lang ako, tumayo na siguro ako para si lola ang paupuin.. Kaso sa kasamaang palad, mga walang pusong lalaki ang mga sayang saya at relax na relax na nakaupo sa mga upuan.
Nakakainis, itong isa mas malaki pa ang katawan kila Ha at Ho sa eat bulaga at sa mga bouncers pero NAKAUPO! Batukan ko 'to e! Nakakainis talaga! Napaka-ungentleman! Kung susumahin mo, 80% ng nakaupo dito sa bus ay puro LALAKI! Tapos 20% lang ang babae! Dahil sa inis ko....
“Kuya, excuse me po. Pwede po bang kayo nalang at tumayo at si Lola po ang paupuin niyo?” mahinahon kong sabi dun sa oh-so-bouncer-look na lalaki. Tumingin siya sakin tapos..
“Bakit? Pare-pareho lang tayong nagbayad ah! Swerte lang ako dahil ako ang unang nakasakay diyan sa matandang yan! Magtiis kayo!” sigaw niya sakin.. ABA ang kapal ng mukha! -___- Kalalaking tae, este tao eh bastos!
“Alam ko naman ho iyon manong e, ang akin lang naman ho kayo ho ang mas may kayang tumagal ng nakatayo habang umaandar ang bus na 'to na parang jet na kung magpatakbo kesa kay lola. Kaya kung okay lang ho maging gentleman naman po kayo.” buti naman at natauhan siya. Napakamot nalang siya sa ulo at tumayo.
“Salamat ho.” mahinang sabi ko sa kanya tapos inakay na si lola para makaupo.
“Salamat iha..” sabi naman ni Lola. “Wala ho yun, la.” at ngumiti lang ako.
Ngayon, sobrang naisip ko talaga ni di advisable ang mag-boyfriend. Wala ng gentleman ngayon. Naubos na ata, mukhang nilamon ng mga baha noong mga pagbagyo noon.. Tsk tsk..
Maya maya bumaba na ako dahil dito na yung school ko. Nag-swipe lang ako ng ID ko at dumiretso na sa classroom.
***
Yung prof namin sa Philosophy, dumating pero di naman nagklase. Nag-attendance lang tapos aalis na daw siya dahil may meeting siya. As always.
Bilang president ng klase, ako ang mag-aayos ng kung anu-ano. Pumunta muna ako sa Registrar's Office dahil yung isa kong kaklase may problema sa Personal Information niya na kailangang baguhin.
Pagbalik ko sa classroom, ang ingay na naman nila. Wala na naman kasi kaming prof kaya ang ingay na naman po nilang lahat. At ang usapan ng halos lahat ay walang iba kundi.. Ako. Sikat ba ako? -_-
Sanay na ako. Hahaha paulit-ulit nalang din naman kasi yung mga sinasabi nila e at hanggang ngayon issue pa rin ang pagiging single ko. Pinagkakaabalahan nila yun? Seryoso ba sila? Kung ako nga hindi ko nagrereklamong wala akong manliligaw eh! Wala naman kasi akong magagawa. Jusko. Hahaha.
BINABASA MO ANG
I am Loveless ♥
Teen Fiction“Darating naman yung para sa'yo e.. Ang kailangan mo lang gawin ay maghintay.”