Chapter {17}

3.7K 97 14
                                    

A/N: Hello~ This is for you masteranna! Sana magustuhan mo 'toooo!! Sobrang thank youuuu! :)

ENJOY! :)

Vote & Comment please. ♥

____________________________________________________________

Chapter 17

Calix's POV

“Kuya naman, ang likot mo ah!” reklamo ng kapatid ko.

“Aba, ikaw pa nagalit sa'kin? Eh bakit ka ba kasi nandito sa kwarto ko ha?” tanong ko naman. 

“E-eh bakit ba? N-ngayon lang naman kuya e.” sabi niya tsaka siya bumangon sa kama KO at umupo. 

“May sarili ka namang kwarto ah. Nako Caley ha, siguro nanood ka na naman ng horror noh? Ikaw ang hilig hilig mo tinatakot sarili mo e. Tsk.” sabi ko sa kanya. 

(a/n: Caley is pronounced as Key-li po)

Yumuko naman siya na ang ibig sabihin lang e totoo nga yung mga sinabi ko. Tsk, adik kasi 'tong kapatid ko e. Mahilig yan sa ganyan. Manonood siya ng horror ng mag-isa siya hanggang gabi tapos bubulabugin ako. Dito matutulog sa kwarto ko at ang masama pa, maglalatag ako tapos siya sa kama o kaya naman tabi daw kami tapos nakayakap lang siya sa'kin... di naman ako makagalaw. May saltik diba? 12 years old lang kasi kaya parang bata pa tapos bine-baby pa nila papa. Psh. 

“Basta kuya dito muna ako, okay?” matapang niyang sabi sa’kin.

“Bakit, may magagawa pa ba ako? Sige na, ang mabuti pa matulog ka na at gabi na.” sabi ko tska ako siya pinat sa ulo. 

Tumango naman siya at humiga na. Ako rin bumalik na sa paghiga ko. Kaya siya nagagalit sa'kin kanina kasi paikot-ikot daw ako.

Di kasi talaga ako mapakali e. Kanina pa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Di ko naman maintindihan kung bakit... pero bigla nalang kasi pumapasok sa isip ko yung kanina habang nagsasayaw kami, napapangiti talaga ako.

Hindi ako makatulog ng maayos. Ano ba 'to? Nahihibang na ba ako? Tsk, nakakainis. Gustung-gusto ko na kaya matulog pero bakit hirap na hirap ako? Inom kaya ako ng pampatulog? Hahaha. 

“You know what…I like your eyes, Calix.” 

T-teka.. ano ba yun? Whooo! Bura, bura. Pwede ba wag ka nga pumasok sa isip ko ng walang paalam. Ako yung nahihirapan e. Sigurado ako eye bags ang bunga neto bukas. Walang duda talaga. Mukha akong panda neto.

Hindi ko talaga mapigilan, kinuha ko yung phone ko... Oh sh*t 1:09am na? Ayos ah! Ang aga pa para bukas. Aish, may magagawa pa ba ako? 

Pinunta ko agad sa music, kada-download ko lang netong kanta na 'to kanina. 

 What day is it? And in what month?

This clock never seemed so alive

I can't keep and I can't back down

I've been losing so much time.. 

'Cause it's you and me, and all of the people with nothing to do.

Nothing to lose 

And it's you and me and all other people

And I don't know why I can't keep my eyes off you.. 

I am Loveless ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon