A/N: Hi itsmemariel02! Para sa'yo 'to! Sana magustuhan moooo! :)
ENJOY! :)
Vote & Comment please. ♥
____________________________________________________________
Chapter 26
Lacey’s POV
Pinakamalas sa lahat ng malas? Ako na ata yun. Pang-ilang beses na akong nahuhuli ng mokong na ‘to jusko ah. Sasakit na ulo ko. Hindi ko na kinakaya!!
“Hoy! A-anong p-pinagsasasabi mo diyan? H-hindi kita kinukunan! Kapal neto! FYI, sarili ko pinipicturan ko kahit tignan mo pa eh!” sabi ko naman sa kanya. Kailangan kong makalusot dahil kung hindi, maglalaslas talaga ako… Dejoke.
“Sus, palusot. Kahit wag na. Hahaha. Sabi ko naman sa’yo kahit tayong dalawa pa e.” pang-aasar niya sa’kin tapos ngumisi pa! “Akin na nga.” Sabi niya sabay agaw sa’kin nung phone ko. Tengeneeee. Makikita niya yung picture niyaaa! -_-
Tinignan niya yung picture at saka ngumiti ng pang-asar. Wala na. I’m so dead. Bye world! See you around!
“HAHAHAHAHAHA. Sabi ko na nga ba eh! Nahihiya ka pa, di uso yun! Cute ko dito ah. Gwapo ko kahit tul—aray!” sabi niya. Binatukan ko kasi e. “Kapal ng mukha, grabe lang!” sabi ko naman tapos tumawa ako ng tumawa. Hahahaha.
Matapos naming tumawa nagsalita na siya. Mag-picture na daw kaming dalawa. Pumayag naman ako siyempre, siya naman ang nag-insist e. Wala ng pakipot pa. Picture lang naman e.
Sabi niya mag-pose daw ako. Well ginawa ko naman. Magkatabi kami dun sa upuan sa tabi nung bintana. Una, pareho lang kaming nakangiti. Tapos yung pangalawa, nakakatawa kasi naka-peace sign din siya. Yung pangatlo naman, pareho kaming naka-belat. Yung pang-apat, nakanguso ako tapos siya poker face. HAHAHA nakakatawa talaga siya. Sobrang cute!! Basta ang dami naming pictures!! Ang saya saya ko!
“Oh ayan, meron na tayong 15 pictures. Cute cute mo talaga Erin. Pasa mo nga sa’kin.” Sabi niya...
WAAAHHHHHH!!! Pinapapasa niya? Seryoso ba siya dun? KYAAAHHHH! KYAAAHHH!! Kinikilig ako!! Lagi naman e. Hahahaha!
Pinasa ko naman sa kanya gaya ng sabi niya. Pag-bluetooth ko, ginawa niya agad wallpaper yung picture namin na naka-peace kaming dalawa. Tapos nakangiti lang siya habang hawak niya yung phone niya at tinitignan yung picture namin e.. Alam niyo kung assuming lang ako, iisipin kong gusto niya ako. Pero dahil hindi ako assuming iisipin ko lang na ganyan lang talaga siya.. Hahaha!
May dumating na at naghatid ng pagkain namin. Sa wakas! Gutom na ako e. Ice cream lang naman kinain namin ni Calix eh. Hahaha.
Kumain agad kaming dalawa. Nakakatuwa siyang kumain, parang ang hinhin. Gwapo shet. Parang busog na ata ako. HAHAHA JOKE lang!
- - -
Nagpahinga na kaming lahat pagkatapos kumain at mag-usap usap. Nagpunta kasi kanina dito ibang blockmate e, nandito buong block namin kanina.. sa room namin ni Calix. Pinaliwanag ni Mae mga gagawin namin bukas na activities. Magagaan lang naman since day 2 palang. Buti naman, ayoko ma-haggard sa birthday ko noh. Hahaha!
Nakahiga na ako, pero hindi ako makatulog.. 11pm na at ganito naman ang usual na tulog ko pero bakit ganito.... ang hirap matulog ngayon. Excited lang ba talaga akong tumanda o dahil nandito si Calix? Pwede ding pareho. Ay ewan!
Naramdaman kong parang may nakatingin sa'kin. OMG ayoko ng ganito. Please wala pang november kaya walang takutan. Patay na kasi ang ilaw at lampshade nalang ang bukas. Lumingon ako sa kanan ko, wala namang tao e. Mas okay na kesa naman may makita ako. Tumingin ako sa kaliwa ko kung nasan yung kama ni Calix, wala rin nam—teka? Tinignan ko maigi... nakadilat pa pala siya! Okay siya pala yun, di pala multo. Hahaha! Nakatagilid siya tapos sa side ko nakaharap.
BINABASA MO ANG
I am Loveless ♥
Teen Fiction“Darating naman yung para sa'yo e.. Ang kailangan mo lang gawin ay maghintay.”