Chapter {42}

2.1K 66 12
  • Dedicated kay all the readers of IAL.. ♥
                                    

A/N: Hi guys! Wala pa akong mapag-dedicate-an e. Hihihi kaya para nalang sa inyong lahat! Sa lahat ng nag-comment sa mga previous chapters, sa mga patuloy na nagbabasa… para sa inyo ‘to! I love you guys! THANK YOU, SAGAD! >:D<

Please play the song po. -->
Yung gif na nasa external link sa previous chapter, inilipat ko dito. Hahaha mas gamit kasi dito. Sorry po, ang gulo ko. Peace! :)
Hmm, sa next chapter... POV lang ni Calix. *wink*
Vote and comment please. 

____________________________________________________________

Chapter 42

Lacey’s POV


Nalaman kong sina Bea pala ang tumawag sa kanya para sabihin ang nangyari sa’kin. Hindi naman ako nagalit sa kanila, siguro…nainis lang ng konti. Pero hindi ko na rin kaya pang magalit sa kanila ngayon, sila nalang kasi yung kasama ko e.


Nakaupo lang siya sa harapan ko ngayon. Nakatingin lang sa’kin habang ako naman nakayuko lang. Ayoko siyang tignan baka kung ano lang ang magawa ko sa kanya. Ang sama sama ng loob ko. Kapag nakikita ko siya, hindi ako natutuwa..nasasaktan ako.


Naghihintay ako na magsalita siya, pero hindi siya nagsasalita. Ako rin, hindi ko siya kinikibo. Tinuloy ko lang yung pagkalikot sa bulaklak na nasa table. Pero biglang may humawak sa kamay ko. Napatingin ako sa kanya.

Umiiyak siya?
Tama ako diba? U-umiiyak siya.


Inilagay niya yung kamay ko sa kanang pisngi niya at hinalikan ‘to. A-ano namang drama ‘to? A-ano na naman? I tried to be strong. Kailangan hindi ako umiyak. Kahit ang sikip sikip na ng dibdib ko…

Hinila ko yung kamay ko mula sa kanya, pero wala e…mas malakas siya sa’kin kaya hindi ko rin nabawi. Bwisit ka. Bwisit ka talaga. Bakit ba ganyan ka?

“Erin…” sa wakas, nagsalita na siya. Nagsalita na ulit siya. Hindi ko alam pero pakiramdam ko sobrang tagal ko siyang hindi nakita, hindi narinig yung boses niya. M-miss na miss ko na siya e. Pero kailangan kong kayanin. Kailangan kong sanayin yung sarili kong wala ng Calix sa buhay ko. Siguro mas magiging madali para sa’kin yun kung hindi ko na talaga siya makikita, diba?

“O-okay ka na ba? Wala na bang masakit sa’yo?” worried niyang tanong habang pinupunasan yung luha niya, gamit yung kaliwang kamay niya at yung kanan naman nakahawak sa kamay ko.


“Hindi e. May masakit pa rin sa’kin. Pakiramdam ko, matatagalan pa bago yun gumaling. Pero siguro naman, hindi kailangang nandito ako sa ospital.” Nakatitig lang siya sa’kin habang nagsasalita ako. At syempre, talo ako…umiyak na naman ako.

“Alam mo ba, miss na miss na kita. Namimiss ko na lahat ng tungkol sa’yo. Ikaw… Yung buong-buong ikaw. Ha ha, h-hindi ko nga alam kung paano ko nakayanang hindi ka makasama ng isang buwan e. I hate myself for being so stupid dahil hindi kita kinausap ulit, hindi kita pinuntahan. Natakot kasi ako e.” Paulit-ulit niyang sabi sa’kin. Gusto kong sabihin sa kanyang, SHUT UP. I DON’T WANT TO HEAR ANYTHING FROM YOU. Pero bakit ganito, may part sa’kin na nagsasabing dapat ko siyang pakinggan.

Hindi ako sumasagot..Kahit gaano ko kagustong sabihin sa kanyang miss na miss na miss ko na rin siya.. Siguro tama na rin ‘to, na siya muna ang pakinggan ko. Okay lang naman diba? Hindi naman masamang makinig?

I am Loveless ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon