Chapter {28}

2.9K 74 14
                                    

A/N: Hi WonderingSunshine! Thank you ah. Mwa mwa. :** Para sa'yo 'to! Sana magustuhan moooo! :)

ENJOY! :)

Vote & Comment please. 

____________________________________________________________

Chapter 28

October 27; Saturday

Calix’s POV

Bakit ba ang bilis ng araw? Parang dumadaan lang.. tsk. Sembreak na agad. Potek, ano ba ‘tong mga araw na ‘to… hangin? -_- Hahahahaha. Eh kasi naman parang hindi ko na lang namamalayan.

Nandito lang ako sa loob ng bahay.. mag-isa. Iniwan ako nila mama, sinama si Caley. Umalis sila, eh ayoko naman sumama kasi sigurado ako shopping lang ang gagawin nung mga yun..

Nanonood lang ako ng ewan? Hindi ko rin alam kung anong title ng pinapanood ko. Sa HBO lang kasi e. Wala akong pakielam. Nakatingin lang ako sa t.v. pero hindi ko naman naiintindihan.

“PANGEEET! CALIX DALE VASQUEZ! LUMABAS KA DIYAAAN! YOOHOOOO~” sigaw ni Syd. Sino pa nga ba? Basta bungangera, si Sydney na yun.. walang duda.

Tumayo ako agad at pumunta sa may gate. Pagbukas ko palang tumakbo agad siya papasok ng bahay at hinatak ako. Problema neto? Makakaladkad naman sa’kin akala mo siya yung lalaki e.

“Hoy! Ano ba—Sydney! Bakit mo ba ako hinihila? Hoy! Bitawan mo nga yung damit ko! Lumuluwag e!” sabi ko sa kanya. 

Tumigil lang siya ng makarating kami sa sala tapos umupo siya. Hingal na hingal. Takbo kasi ng takbo e, parang tanga tapos kinaladkad pa ako. Sino kayang ‘di mapapagod sa ginawa niya? Ang malas ko naman at nagkaroon ako ng abnormal na best friend. Tsk. Pumunta ako sa kusina at ikinuha siya ng tubig. 

Pagbalik ko nakaupo pa rin siya dun at pinapaypay yung kamay niya sa kanya. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya.

“Oh, uminom ka nga muna.” Sabi ko sabay abot nung tubig. Tinanggap naman niya at wala pang ilang segundo.. ubos na niya agad. HAHAHAHA.

“Sige na, magsalita ka na. Baliw ka talaga e. Ano ba yung sasabihin mo at may patakbo takbo ka pang nalalaman diyan?” tanong ko sa kanya. Tumingin naman siya sa’kin ng masama na sapat ng dahilan para bawiin ko yung sinabi kong baliw siya. Hahaha.

“Kasi panget.. si Lacey..” nagulat ako ng banggitin niya ang pangalan ni Erin..

“Bakit? A-anong nangyari?” tanong ko naman sa kanya..

.

.

.

“Nagpunta sila sa America! At ang sabi.. doon na daw titira! Hindi na daw babalik dito sina Lacey! Panget naiintindihan mo ba ha?” dire-diretso niyang sabi sa’kin..

Natulala lang ako. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Parang bigla akong natakot.. Pero.. biglang tumawa si Sydney..

“H-hoy! B-bakit, niloloko mo ba ako?” tanong ko sa kanya sabay tingin ng masama. Sira talaga ‘tong babaeng ‘to!

“Hahahaha! Nakakatawa itsura mo! Takot na takot lang? HAHAHAHAHA.” Tawa niya pa. Pasuntok nga, isa lang.

“Ewan ko sa’yo! Lumayas ka nga dito!” sigaw ko sa kanya, pero syempre biro lang. Hindi ko naman kaya paalisin yan, kahit diyan lang sa tapat bahay nila. Hahaha.

I am Loveless ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon