A/N: Hi rence_cute01! Thank you sa votes and comments. :") Para sa'yo 'to! Sana magustuhan moooo! :)
Play niyo po yung song sa right side habang POV ni Lacey. Thanks! ;)
ENJOY! :)
Vote & Comment please. ♥
____________________________________________________________
Chapter 26.1
Lacey’s POV
Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa makarating ako sa lugar na mag-isa lang ako. Umupo ako doon at sinubsob ang ulo ko sa mga tuhod ko.
Umiyak lang ako ng umiyak. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Bigla akong takot na takot. Ayoko ng ganitong pakiramdam. Ayoko.
Mahal ko rin si Calix, pero hindi ko alam kung bakit at ano ang ikinakatakot ko.
Siguro ayoko lang na maging masyado na namang maging masaya at pagkatapos ano? Maiiwan na naman ako. Ayoko na. Ayoko na ulit masaktan ng katulad ng dati.
Paano kung masyado lang rin siyang nabigla?
Paano kung hindi naman pala siya sigurado sa nararamdaman niya at akala lang niya mahal niya na ako?
Iniisip ko palang.. nasasaktan na ako.
Ayokong umasa na naman at pagkatapos mawawala lang.
Iniangat ko ng konti ang ulo ko para tignan yung bracelet na ibinigay niya sa’kin.. hinubad ko sandali. Tinitignan ko lang yun habang hindi mapigilan yung pesteng luhang ‘to.
…at lalo akong naiyak ng may makita akong nakasulat pala. I love you
Nasasaktan ako.
Nasasaktan ako kasi nadamay siya sa takot ko sa mga nakaraan. Alam kong hindi dapat pero ito yung nararamdaman ko.
Hindi ko mapigilan yung sarili kong isipin yung mga bagay na pwedeng mangyari.
Alam kong gustung-gusto kong magka-love life, na may taong magmahal sa’kin.. pero bakit ngayong nandito na…
.
.
Umaayaw ako?
Parang bigla kong gustong takasan yung sitwasyong kinalalagyan ko ngayon. Hindi ko maintindihan yung sarili ko.
“Calix, I’m sorry. I’m sorry…” bulong ko.
Naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Inangat ko ng konti yung ulo ko para tignan kung sino.. lalo akong naiyak.
Bakit sinundan niya pa rin ako kahit lumayo na ako sa kanya?
Bakit ka ba ganyan Calix?
“…kasi nga mahal kita.” Biglang sabi niya.. Hindi ako sumagot. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.
“Sabi ko naman sa’yo dati, wag mo akong itutulak palayo sa’yo e.” sabi niya pa.
Patuloy lang siya sa pagsasalita pero ako, tahimik pa rin na nakayakap sa tuhod ko at umiiyak. Kung alam lang niya na naiinis ako sa sarili ko sa mga oras na ‘to dahil sa katangahan ko.. kung alam lang niya.
BINABASA MO ANG
I am Loveless ♥
Teen Fiction“Darating naman yung para sa'yo e.. Ang kailangan mo lang gawin ay maghintay.”