A/N: This is dedicated to heart_broken. Hellooo! Sana magustuhan mo! :)
ENJOY! :)
Vote & Comment please. ♥____________________________________________________________
Chapter 3
Lacey's POV
“B-BLIND DATE? S-seryoso kayo?” tanong ko sa kanila sabay tayo pa. Tumawa lang silang dalawa at tumango tango. Hindi pwede, dapat nagbibiro lang sila. Hindi ko nga talaga kakayanin!!! Ayoko ng mga set up set up na ganyan! Hindi nagiging successful ‘yan!“Kaya mo yan! Hahaha. Hindi ka pwedeng humindi dahil ayos na lahat at naka-set na ang lahat. Hahaha. Nakausap na namin 'siya', may date na rin kung kelan at sa Friday na yun dahil wala kang class nun diba? Kaya sa ayaw at sa ayaw mo, tuloy na tuloy na. Wag ka mag-alala tiwala ka naman sa taste namin diba?Hahaha. Gwapo yun tsaka mukha namang mabait.” sabi ni Bea tapos ngumiti. Yung ngiti niyang may kahulugan. Pucha, ngayon palang dapat na akong matakot.
Gwapo? Mukhang mabait? Eh kahit na! Ayoko pa rin! Paano kung di naman niya ako magustuhan? Paano kung di mag-work ang blind date? Paano kung ako lang ang mahulog tapos hindi naman niya ako masalo? Ayokooo!
P-pero, wala namang masama kung susubukan ko diba? Waahh naguguluhan ako!! Bahala na nga si batman…“Oo na, oo na! Sige na, payag na ako." sabi ko nalang. Tsk, lagot na. Wala ng atrasan 'to, naka-oo na ako e. Wala na akong magagawa. Whoo!
“OMG talaga? Yaaay! Okay na yun ah? Promise yan. Wala ng bawian kundi ipapalapa ka namin sa bulldog! Hahaha.” sabi ni Amethyst.
“Oo na nga. Oo na.” sagot ko naman. “Yaaaay! Wag ka mag-alala kami ang bahala sa'yo! Maganda ka na naman kaya wala ng dapat ayusin pa sa'yo.” sabi ni Bea sabay kindat pa sa'kin..
Pagkatapos ng usapan, nag-dinner na muna kami at umuwi na rin sila agad. Sinundo ni Nigel si Bea tapos si Warren naman sinundo si Amethyst. Oh, si Warren at Carlo ay iisa lang ah. Baka isipin niyo pa playgirl yung best friend ko. Hahahaha.
Naisip ko bigla si Luke. Nakonsensya ako e, pinaalis ko pa naman siya kanina. Text ko kaya? Ayy wag na. Ehh text ko na!Message to: Oh-so-handsome Luke
| Pst. Uwi na. Wala ng kasama si ate. Bati na tayo. :* |Message sent!
Kapal ng mukha niya noh? Oh-so-handsome talaga ang inilagay. May tama talaga 'to e. Hahaha. Pero gwapo naman talaga ang kapatid ko noh!
Maya maya lang, bumukas na yung gate at pumasok na nga siya.“Ateee!” tumakbo ako palapit sa kanya tapos niyakap siya.
“Waahh! Sorry na kanina ah. Haha thank you din kasi pinapunta mo pa talaga dito sina Bea! Mahal na mahal mo talaga si ate. Mwa mwa.” sabi ko sa kanya habang pilit pa rin siyang niyayakap.
BINABASA MO ANG
I am Loveless ♥
Teen Fiction“Darating naman yung para sa'yo e.. Ang kailangan mo lang gawin ay maghintay.”