Chapter {29}

3K 70 13
                                    

A/N: Hi llhsyr! :) Para sa'yo 'to! Sana magustuhan moooo! :)

ENJOY! :)
Vote & Comment please. 

____________________________________________________________

Chapter 29

November 2, 2012

Calix’s POV


Mag-iisang linggo na rin siyang wala.. kahit paano nakakapag-isip din ako. Walang nagbago, lalo lang naging malinaw sa’kin na ganun nga ang nararamdaman ko para sa kanya. Never naman akong hindi naging siguradong mahal ko siya e.. siya lang naman ang nagdududa. *sigh*

“Calix, halika na. Tawagin mo na si Caley sa taas. Ang sabi niya kukunin lang niya phone niya pero ang tagal tagal. Naku alam mo naman ang lola mo—” ingay ni mama kahit kelan. Pwede namang sabihing tawagin mo na si Caley, ang dami dami pang sinasabi. Hahaha. Umakyat na nga ako agad. 


(a/n: gif on the right side. Yan ang nautusang si Calix. Petiks na siya e. Hahaha)

Pagpasok ko sa kwarto ni Caley.. -_- Kaya pala walang bumababa, nakatulog pala. Hahaha buti pala umakyat na ako kundi tatanghaliin pa kami ng alis neto. Si papa nga nauna na samin dun.


Lumapit ako sa kanya para magising ko na siya. Nakailang tapik na ako pero wala pa rin. Tulog mantika talaga ‘to kaya dapat dito hindi pinapatulog e. Dejoke.


“Caley…wake up. Aalis na tayo.” Sabi ko sa kanya tsaka ko ulit tinapik. Maya maya nagkukusot na siya ng mata niya. Sa wakas naman, akala ko kakargahin ko na naman siya e. Ganyan kasi yan kaya gustung-gusto niyang nakakatulog kasi binubuhat ko siya. Tinatamad daw siyang maglakad. Okay lang sana kung 4 years old lang siya e, kaso 12 na e. Laking bata pa naman.

Bumaba na kami at pumunta sa sasakyan. Si mama naman naiinis na naman kasi daw mapapagalitan na naman daw siya ni lola dahil late na naman kami.


Maya maya lang nakarating na kami sa bahay nila lola. Tradition na kasi ng family na sabay sabay kaming nagpupunta sa *** Memorial para bisitahin sina lolo.


Pagpasok namin, sumalubong agad samin si lola at ang mga tita ko.. Bago pa man din makapagsalita si lola para pagalitan si mama…

“Lolaaa!!” sigaw ni Caley tapos tumakbo palapit kay lola. Alam na alam niya ang style para ‘di mapagalitan si mama ah at tsaka epal na naman syempre. Palibhasa kasi siya ang bunsong babaeng apo sa 4 na magkakapatid. Si Trina kasi pangalawa naman sa bunso.


“Hello sweetie! How are you?” tanong naman ni lola tapos humalik sa pisngi ni Cay. Ako naman lumapit kina tita at nakipagbeso sa kanila.

I am Loveless ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon