Chapter {37.1}

2.6K 67 8
                                    

A/N: Hi beatriiixx! Para sa'yo 'to! Sana magustuhan mo!! :)

ENJOY! :)

Vote & Comment please. 

____________________________________________________________

Chapter 37.1

January 26, 2013; Saturday

Lacey’s POV

Nate-tense na ako grabe, parang ‘di ako mapakali! Sobrang pinagpapawisan ako ng malamig at pakiramdam ko nanghihina ako.

“Hoy! Bakit ba ang kulit mo ha?” tanong sa’kin ni Bea.

Nandito kasi kami ngayon sa Shakey’s e, ililibre ko muna sila. Ang aga ko kasi sila binulabog para magpasamang bumili ng damit para mamaya. 11am palang naman. Halos kami nga ang nagbukas ng mall e.

“Ehhh sorry talaga. Kasi alam mo yun, kinakabahan talaga ako eh! Ano ba yan!! Friends please naman paalisin niyo naman yung kaba ko oh!” sabi ko sa kanila. Sila naman natatawa lang sa’kin. Super nice talaga ng mga kaibigan ko!

“Hahaha, umayos ka nga! Wag kang kabahan diyan! Sa mukha mo palang sigurado na ako, boto sila sa’yo! Wag ka ng ma-tense. Everything will be fine.” Mahinahong sabi ni Therese sa’kin. Buti pa siya. -__- Samantalang si Amethyst at Bea, sobrang tawang tawa lang tapos puro kalokohan pa mga sinasabi sa’kin!

“Nako tropa, kabahan ka na! Panigurado maldita yung kapatid nun, babae e. Hahahaha diba Bea? Tingin mo rin?” sabi ni Amethyst. Ang bait diba?

“Pucha ano ba! Gusto niyo makalabas ng Shakey’s ng hindi dumadaan sa pinto? Gusto niyo talaga? At gusto niyo rin bang kayo na ang magbayad lahat ng kinain niyo dito?” pananakot ko sa kanila.

Sina Bea at Amethyst biglang umarte na zinip yung bibig nila. Si Therese naman umiling-iling habang natatawa.

-___- Ginagawa talaga nila akong katatawanan dito e.

Hiningi ko na yung bill at binayaran ko na. Iniwan na namin doon kasi 20 nalang naman yung sukli. Kailangang magmadali. 2pm ako susunduin ni Calix.. Whooo!

“Tss, tapos na ba kayo? Tara na!” pagyayaya ko. Tumayo na rin sila at sumunod sa’kin. Kumapit sa braso ko si Therese tapos tinap yung likod ko..

Nakarating kami sa department store. Dito daw muna kami maghanap. Whooo! Grabe, sobrang parang hindi na ako makahinga e. Kumuha sila ng mga isusukat ko, grabe ang dami!

Habang nagsusukat ako ng dress… biglang may nagtext sa’kin. Omg kung sino ka man, pinapakaba mo ako ng sobra!!

1 Messaged Received: Bebe 

| Good morning baby! Gising ka na ba? Bakit ‘di ka nagtetext? Basta, sunduin kita ng 2pm okay? Wag kabahan. |

HAAAA? Hindi ba ako nagtext? Ang alam ko nagtext ako eh! Tss, yaan na nga rereplyan ko nalang siya. Ulyanin na ata ako.

To: Bebe 

| Good morning din bebe! :* Yup, kanina pa. Sorry, I thought I texted you na e. Hehe. Okay! See you! |

Tinago ko na agad yung phone ko at nagsukat na. Lahat sila nandito sa loob ng fitting room. Ang sikip nga e. Pero sexy naman mga friends ko, masyado lang kaming madami dito. Buti nga ‘di kami pinagalitan e.

I am Loveless ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon