A/N: This is for you my friend ShaneCamus! Sana magustuhan mooooo! Hahaha. :)
ENJOY! :)
Vote & Comment please. ♥
____________________________________________________________
Chapter 13
Lacey's POV
“Lacey?” napaangat ako ng ulo nang marinig ko ang isang pamilyar na boses na tumawag sa'kin..
.
.
.
“OMG, ikaw ngaaa! Yaaahh! I miss you! I miss you! Hahaha. Tagal nating di nagkita dahil sa project niyo ah. Kumusta?” sabi ko na nga ba e.. Tumayo ako at yumakap sa kanya.
“Amethyyyst! I miss you too kung alam mo lang! Kaya nga e, pero don't worry tapos na so pwede na tayo gumala! Ay wait sinong kasama mo?” tanong ko.
“Hmm.. sino pa nga ba? Si Warren, binabayaran pa bill namin iniwan ko muna. Hahaha. At ikaw? Ehem.” hahaha salbahe talaga 'to! Palaging iniiwan si Warren e, baliw. Shet inasar pa ako. Kilala pala niya si Calix..
“Ah hehe, groupmates ko. Kaya lang busy yung iba e. Uhm Calix si Amethyst pala, isa sa best friends ko. Friend, si Calix.” pagpapakilala ko sa kanila. Tinaas naman ni Calix yung kamay niya at ngumiti, 'to namang best friend ko kumaway lang tapos ngumiti na parang... may kakaiba? Ewan.
“Babe, let's go? Oh hi Les! Kunin ko muna ulit best friend mo ah? Bye.” biglang dating ni Warren. Mahusay tumiming! Hahaha. Ngumiti lang ako sa kanya at tumango.
Nagpaalam na rin sa'kin si Amethyst at umalis na sila. Medyo natahimik kami saglit pero maya maya bumalik na rin sa pagkukwentuhan. Bigla kasi siyang nag-open ng topic e. Nagpakwento siya sa'kin. Madaya talaga 'to e. Palagi nalang ako pinakukwento tapos siya wala lang? Aba! Magaling! -_- lugi naman ata ako dun? Haha pero ayos lang, nag-eenjoy naman akong magkwento kahit paano.
Natapos na silang magkulitan, daldalan at kumain kaya umalis na rin kami para makapagpahinga naman. Medyo mga puyat kasi kami e. Sabi ko uuwi na ako at anytime pwede na akong humilata at pumlakda dito. Hahaha nagmadali na ako kasi sobrang antok na ako e.
Maya maya lang nakauwi na rin ako, naghubad lang ako ng sapatos at tumakbo na sa taas. Plakda ang lola mo. Hahaha tulog na tulog ako.
Gabi na ako nagising. Grabeee! 6 hours yung tulog ko? SERYOSO? Tulog mantika lang? Pagod na pagod? 7pm na! Wala akong nagawang matino sa buhay. Hahaha. Pero ayos lang. Chineck ko muna yung cellphone ko.
Nanlaki yung mata ko kasi may text si Patrick! Wow! Grabe, after a week nagpaparamdam 'to palagi. Takot na takot na bigla siyang makalimutan pero siya naman gumagawa ng paraan para di ko na siya maalala... :(
Message from: Patrick
| Lacey. I miss you |
WAAHHHH! He misses me? Wow, di obvious. Pero seryoso na... namiss ko rin 'to. Kung bakit ba kasi bigla biglang nawawala e tapos pag gusto niya, babalik siya? Psh.. Sabagay bakit ba ako nag-iinarte? Sino ba ako?
Nagreply ako sa kanya..
Reply to: Patrick
| Hehehe. :) |
BINABASA MO ANG
I am Loveless ♥
Teen Fiction“Darating naman yung para sa'yo e.. Ang kailangan mo lang gawin ay maghintay.”