A/N: I dedicated this chapter to JhenaGumarang. Hello, dear! Sana magustuhan mo 'to! ^_____^
ENJOY! :)
Vote & Comment please. ♥
____________________________________________________________
Chapter 5
Lacey's POV
Kanina pa kami nag-uusap, so far okay naman siya. Hindi pa pala siya nagtatrabaho. Hahahaha. Baliw kasi 'tong mga kaibigan ko, ang sabi sa'kin nagwo-work na daw 'tong si Patrick.
“Saan ka nga pala nag-aaral?” tanong niya. Awkward moment ito dahil natigil ang pag-uusap namin ngayon ngayon lang.
“Ah, Hersen University. Ikaw saan?” tanong ko nalang. Jusko laughtrip parang autograph, wahaha yung mga slamnote dati?
“Ivrea Academy, malapit lang din sa inyo.” sabi niya. OMG! OMG! OMG!
“IVREA? AS IN? Waahh! Dun nag-aaral ang Parking 5 diba? Tama ba? Anong year na nga nila? Freshmen? Sophomore? Junior? Ano?” sunud-sunod kong tanong. Ehhh fan ako nun e, di lang halata. Bigla siyang tumawa..
(a/n: Guys pa-promote lang ng story ng kaibigan ko, Perfect Chance ang title. Parking 5 Fan fiction po yun. Thank youuuuu!)
“Hahahahaha, fan ka nun? Palagi ko lang nakakasalubong yung mga yun. Nakasama ko na rin sila mga dalawang beses.” SHEEEEEEEEET! *himatay*
“Hindi nga? Waahhh! Gusto ko silang makitaaa! Pwede ba? Pwede?” tanong ko ulit. Di pwede to, chance ko ng makilala sila! Buti nalang pala nakipag-blind date ako dito.
“Oo naman sige. Minsan dadalhin kita dun para makilala mo sila. Haha meet & greet.’ sabi niya sabay tawa. Ohmaygaaad! Katuparan ng mga pangarap ko yun!
Pagkatapos nun, kung anu-ano pang mga pinag-usapan namin. May isa daw siyang kapatid, mas bata sa kanya. Syempre hindi ko tinanong kung sino.
Siguro mga 4pm na din, marami pa akong dapat gawin kaya nagpaalam na ako. Sabi ko mauuna na rin ako. Pero sabi niya ihahatid na raw niya ako, eh nakakahiya naman tsaka isa pa kasama ko mga kaibigan ko noh. Hahahaha.
“Naku, wag na. Okay lang ako. Salamat.” sabi ko nalang. Pero biglang nag-vibrate yung phone ko. Kinuha ko at tinignan messages..
1 New Message from: Bea
| Hoy, pumayag ka! Pumayag ka magpahatid! Gaga ka talaga, okay lang kami. Go naaa! :) |
HAAAAAA?? NAKAKAHIYA! Nasabi ko na sa kanya na wag na e. Bwisit naman 'tong mga 'to. Lagot talaga 'tong mga 'to sa bulldog namin sa bahay!
Napakamot ako sa ulo ko, shet lang.. Bigla naman siyang nagsalita..
“Sige na, please pumayag ka na. Ihahatid na kita.” sabi niya na akala mo ba parang batang nagmamakaawa pa. OO na, gwapo mo di ako makatanggi.
“Ah, hehe. Sige na nga.” sabi ko nalang tapos tumingin dun sa side kung nasaan sina Amethyst. WALA NA SILA! Napakahuhusay talaga ng mga kaibigan ko.
Pinagbuksan na niya ako ng pinto ng kotse niya, malamang! Tapos pumasok na ako at umalis na kami. Sinabi ko lang yung address namin at siya na bahala. Kung dun niya ako gusto dalhin o iuwi ako sa kanila. Hahahaha! Joke! Joke yun, okay? Hahaha.
BINABASA MO ANG
I am Loveless ♥
Teen Fiction“Darating naman yung para sa'yo e.. Ang kailangan mo lang gawin ay maghintay.”