A/N: Hi Byunsmithyst!! As promised, dedicated sayo! Thanks for waiting! Sana magustuhan mo! :)
Vote and comment please. ♥
____________________________________________________________
Chapter 40
2 years later: May 7, 2015: ThursdayLacey’s POV
“Nasaan ka na ba?” tanong niya sa’kin habang nasa kabilang linya. Ang kulit,kanina pa siya paulit-ulit na nagtatanong kung nasaan na ako.“Pababa na nga, eto na oh. Nasaan ka? You’re wearing what?” tanong ko naman sa kanya.
“Maybe I’m wearing a skirt? Okay, joke lang. I’m wearing a black v-neck shirt and pants. Nakikita mo na ba ako? Nasaan ka ba kasi?” I laughed when he said he’s wearing a skirt. Omg hahaha naiimagine ko. Sobrang nakakatawa yung itsura!
“Sa puso mo.” Pagbibiro ko. Hahahahaha.
“Matagal na. Pero teka kasi nasaan ka nga?” tanong ulit niya. He sounds so frustrated.
“Bye na, pababa na nga ako. See you!” sabi ko nalang sa kanya tapos ibinaba ko na yung tawag. Hindi pa naman kasi ako talaga pababa e. Hahaha.
Napatingin naman ako sa officemates ko na nakangiti ng pang-asar. Halos umabot na sa batok mga ngiti nila e. Hahaha. Tinignan ko sila at nagtanong kung bakit..
“Ang sweet niyo e, nilanggam tuloy kami.” Pang-aasar sa’kin ni Kristy. Yung kauna-unahang naging kaibigan ko dito sa office.
“Oo nga, bumabanat ka pa ah? Tsaka bakit mo ba siya inaasar? Haha kawawa naman kanina pa naghihintay sa’yo sa baba yun e. Ano bang meron? Namiss ka at bumabawi sa’yo dahil hindi ka niya nakasama nung Tuesday at kahapon?” sunud-sunod na tanong naman ni Claire. Ngumiti lang ako sa kanila… Habang sila, nakangiti ng parang pang-demonyita. Hahahaha. Nakakaloka yung mga itsura nila.“Wow ah, sobrang dami naming nakuhang sagot sa’yo girl! Puro ngiti! Hiyang-hiya naman kami, baka gusto mo magsalita?” pang-aasar ni Sofia habang nagpupulbos pa.
“Hahaha, sorry naman. Natatawa kasi ako sa inyo e. Kung makapang-interrogate kayo e akala mo ngayon lang nangyari ‘to. Eh hello? Everyday kaya kaming sabay mag-lunch, tsaka everyday din niya akong hinahatid at sinusundo. He’s doing it for almost one year now, okay I admit tama ka Claire kasi this past few days hindi, pero kasi parang palaging first time kung mang-intriga kayo. Mga loka!” sabi ko sa kanila. Tawa naman sila ng tawa.
Eh paano, minsan ginagawa nalang nilang lokohan. Nagiging routine na tinatanong nila ako ng kung anu-ano sa tuwing aalis ako para mag-lunch, sa tuwing naghihintay na siya sa baba para sunduin ako. Nang-aasar nalang sila e. Hahaha.“Sige, alis na ako! At nako ha, kumain na kayo. Jusko gutom lang ‘yan!” sigaw ko sa kanila as I went out of my office.
BINABASA MO ANG
I am Loveless ♥
Teen Fiction“Darating naman yung para sa'yo e.. Ang kailangan mo lang gawin ay maghintay.”