Chapter {18}

3.6K 89 15
                                    

A/N: Hello~ This is for you bluelovesyou! Sana magustuhan mo 'toooo!! Sobrang thank youuuu! :)

ENJOY! :)
Vote & Comment please. 

____________________________________________________________

 
Chapter 18

Lacey's POV

SHET. Gusto ko na talaga magpakain sa lupa. Desidido na ako. Bye world! See you around! Waaah! Sinabi niya ba talagang umalis kaming dalawa? Totoo ba yun? Totoo ba? Huwaaahhh! Di ko talaga 'to kinakaya!

“Huy ano? Alis tayo” ayy shet. Kausap ko pa pala siya. 

“Ah. Ha? A-ano kasi, w-wag nalang hehe.” yan nalang yung nasabi ko. 


Siguro kung nandito lang yung mga kaibigan ko, binatukan na ako kanina pa. Baka hindi nga lang e. Feeling ko bugbog sarado ako sa mga yun e. Wahahaha! Grabe joke lang yun ah. 

“Psh. Sige na, payag na. Wala din akong ginagawa e. Puntahan kita diyan ah 3pm” 

“Tek—” 

*toot toot* 

WHAAAAT! BINABAAN NIYA AKO? ABNORMAL! HINDI NAMAN AKO UM-OO EH. Tsaka siguro kasi ako naman yung nagyaya e. Malay ko bang hindi pala number ng best friend ko yun! Hindi ko naman talaga sinasadya. Waahhh! 


Teka... 3pm? 2:18 naaa! Takbo Laceeeey! Tumakbo agad ako paakyat sa kwarto ko. Dun ako maliligo. Ayoko dito sa baba mamaya biglang may pumasok e. Ni-lock ko muna lahat sa baba mahirap na noh. Lagot ako. Ako pa naman si Tagpi today. Hahaha.


Pagkatapos kong maligo, nagbihis na ako. Wait kailangan maayos ang itsura ko. Humarap ako sa salamin.. ay wrong timing! Mukha akong panda! Nakakahiya naman magpakita sa kanya ng ganito. 

*ding dong ding dong* 


Sa pagmamadali kong magbukas ng gate, nauntog pa ako. “Aray. Bobo forever tss” hinimas himas ko yung ulo ko. Akala ko kasi nabuksan ko na yung pintuan e, hindi pa pala.


Pagkabukas ko ng gate.. isang napakagwapong nilalang ang bumungad sa'kin...

“Hi” nagsalita pa! Wala na, I'm so damn dead. Dejoke lang. Wahahaha! Ka-OA-an ko na naman e.


“Hello hehe, pasok ka muna?” tanong ko sakanya. Malay mo pagod pa siya at gusto muna niyang umupo kahit saglita diba?


“Wag na, alis na tayo” sabi niya tsaka ako hinigit sa kamay.

So hindi naman siya nagmamadali masyado? Medyo masakit na paa ko ah? Baka pwede na siyang magmabagal ng konti? Hahaha. Ang layo na ng nalakad namin, nakalabas na nga kami ng village e pero di niya pa rin ako binibitawan. 

“G-grabe k-ka.. whoo. Talagang… whoo kina-ladkad mo ako?” hingal na hingal kong sabi. Di man lang huminto sandali. Hello? Ang iksi nga ng legs ko kesa sa kanya diba? Ang bilis bilis niyang maglakad diyaaan!!

I am Loveless ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon