Chapter {26.2}

3.1K 75 11
                                    

A/N: Hi CrimCee18! Para sa'yo 'to! Sana magustuhan moooo! :)

Happy 11k reads! THANK YOU FRIENDS! ILOVEYOUALL! :)

ENJOY! :)

Vote & Comment please. 

____________________________________________________________

Chapter 26.2

Lacey’s POV

Nakapaikot kaming lahat sa bonfire. Nakakatuwa nga e. First time in the history yung ganitong pangyayari. Dejoke. Hahaha syempre kalokohan ko lang yun. Ang gagawin namin ngayon ay ang magkwentuhan.. Oo tama kayo. Isa isa kaming magshe-share ng experience. Kami ang bahala, embarrassing, unforgettable, most painful, happiest, o kahit ano pa man.

“Sige, mag-umpisa tayo kay Andy.” Sabi ni Mae. Hahahaha tawa kami ng tawa kasi pinagtripan na naman ni Mae ang boyfriend niya. Kawawang Andy.

“Oy bakit ako? Ikaw nalang!” protesta ni Andy. Tinignan siya ng masama ni Mae. “Sabi ko nga ako na e. Excited na nga ako e.” pagkasabi niya nun, napakamot pa siya sa batok. Hahaha.

Nagkwento siya ng tungkol sa childhood experience niya. Nung bata daw kasi sila tinuturuan sila ng lola nila palagi. Lahat daw ng dasal kabisado niya, kasi nga yun ang ipapa-recite sa kanila. Isa-isa, at bubunot sila ng isang papel kung saan nakasulat yung prayer na irerecite nila. Kabisado daw niya halos lahat maliban sa Angelus at Apostle’s Creed.

“Ako ang pangalawa sa huling magrerecite, dalawang dasal nalang ang natitira at sa sobrang kamalasan ko.. Angelus ang napunta sa’kin! Tapos yung Our Father dun sa isang pinsan ko! Grabe sobrang malas ko talaga! Kung ano pa yung hindi ko alam, yun pa talaga ang irerecite ko. Syempre, napagalitan ako ng lola ko nun takte! Ako lang kasi ang ‘di nakapag-recite e.” natatawa tawang sabi niya. Natawa rin naman kami kasi ang malas niya! HAHAHAHAHA.

“Ang malas mo Andy! Hahaha” sigaw ni Mae tapos tumawa ng tumawa. Si Andy naman sobrang namula sa kahihiyan. Hahaha. Sabi namin okay lang yun e.

Sunud-sunod ng nagkwento, kadalasan love life ang kwento. May mga umiiyak pa nga e. Naku naman oh. Malapit na nga ako e. Nakng teteng naman talaga oh oh. -_-” Pag minamalas nga naman.  Tsk. Siguro mga tatlong tao nalang.. ako na. Pakamatay.

Si Yvonne, ayun kinuwento niya yung ex-boyfriend daw niya. Ang sarap daw patayin! Nakuha pa daw siyang lokohin at iwanan! Sa ganda daw niyang yan. Hahahaha. Pero totoo naman e, ang ganda ganda kaya ni Yvonne!! Mala-dyosa yan promise.

“Bwisit talaga yung mokong na yun! Pasalamat siya ‘di ko na siya mahal! Hahaha.” Pabirong sabi niya pero halata namang naiiyak. Pauso talaga ‘tong babaeng ‘to.

“Hayaan mo na siya.. Siguro kasi talagang may mga bagay lang talaga na hindi nakalaan para satin. Kahit gawin pa natin lahat walang mangyayari.. mapapagod na tayo, masasaktan pa.” seryosong sabi ko sa kanila. Napatingin naman silang lahat sa’kin. Si Calix din nakatingin lang sa’kin. Katapat ko kasi sila ni Sydney e.

“Ayos! Yan si Les! Hahaha. Yan ba nagagawa ng walang love life?” pabirong sabi ni Yssa. -_-” Ngumiti nalang ako.

Sumunod na nagkwento si Mark. Kinwento niya naman yung girlfriend niya. Hahaha. Ang saya saya nga niya e. Jusko, mahal na mahal niya kaya yun! Ilang taon niyang hinintay yun. Since high school, at sa wakas daw sinagot na siya! Syempre, masaya kami para sa kanya.

“Okay, si Les na! Oy kailangan buhay pag-ibig din ah! Kundi iihawin ka namin!” sigaw ni Mae.

Jusme naman talaga ‘tong mga ‘to oh! Ano namang ikukwento ko? Sino sa mga hinayupak na paasa? Alam ko na, wala nalang kaya? Eh kung yung katangahan ko nalang kaya? Dejoke. Ayoko. Tatlo lang kaming nakakaalam nung kay Calix. Hmm.. eh kung yung nararamdaman ko nalang kaya?

I am Loveless ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon