Chapter {45-Finale}

2.7K 66 14
                                    

Chapter {45-Finale}

Lacey’s POV

1 year later; November 2016

“Ayoko nga niyan e.” pagmamaktol ko habang nakaupo sa sahig.

“Eh gusto ko ‘to e!” sagot naman niya sa’kin kaya lalo akong nainis. Tinignan ko siya ng masama, tapos ganun din siya sa’kin. Nakipagtitigan din siya. Parehong nanlilisik yung mga mata namin.

“Naiinis na ako sa’yo ah! Tumatakbo yung oras, hindi na ako makakanood niyan e!!” sigaw ko sa kanya tapos binato ko pa yung unan.

“Sa taas ka kung talagang gusto mo!” sabi niya pa sa’kin. Aba! Nawala ang pagka-gentleman ah! Suntukin ko kaya ‘to!!

“EH ‘DI IKAW SA TAAS!!! BWISIT!” pagdadabog ko pa tsaka ako tumayo at pumunta sa kusina. Leche talaga e, nakakaasar!

Kumuha ako ng tubig para naman mahimasmasan ako sa pagkabwisit ko sa lalaking ‘to. Nakakairita e. Kaninang kanina pa kaya siya nanonood ng Dragon Ball Z e ang pangit pangit naman nun!! Isasalang ko nga yung Doraemon ko e!! Magmamarathon ako, tapos ayaw ako pagbigyan? WTH. Ang sarap pauwiin sa bahay nila!

Pagbalik ko nakita kong petiks na petiks siyang nakahiga sa sofa habang kumakain ng pop corn. Sasapakin ko ‘to e. -____-

“HOY!! UMUWI KA NA LANG KAYA!! NAKAKAINIS NA AH! AKO ANG ‘DI MAKANOOD NGAYON E! REST DAY NA REST DAY KO TAPOS…UGH!!! ASAR!!” sigaw ko sa kanya, yung full force pero hindi niya ako pinansin. Tinignan lang niya ako at ibinalik na yung tingin niya sa pinapanood niya.

“INIINIS MO BA TALAGA AKO? SIGURO GUSTO MO AKONG MA-HIGH BLOOD NO?! BAKIT BA KASI NANDITO KA SA BAHAY HA—” nagulat ako ng bigla niya akong hilahin kaya napaupo ako sa sahig tapos paharap pa sa kanya. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa’t isa. T-tapos bigla niyang hinawi yung buhok ko na tumakip sa mukha ko at mas lumapit pa..

“Bakit ang daldal mo? Subukan mo kayang tumingin sa tv nang makita mo yung gusto mo.” Pagkasabi niya sa’kin nun, sinunod ko siya…at nakita ko nga yung gusto ko. Dahil nakasalang na pala yung Doraemon ko. Napangiti ako pero ‘di ko pinahalata.

Nagulat ako nang bigla siyang bumangon at umupo rin sa sahig, sa harap ko. -_____- “Oh ano, masaya ka na ba?” nang-aasar niyang tanong.

“E…PAL.” Sabi ko naman sa kanya. Ewan ko ba dito, baliw na ata. Tumawa lang siya tapos inilapit na naman yung gwapo niyang mukha sa’kin. “Ingay pa e.” sabi niya tapos hinalikan ako sa kilid ng labi. TENGENE. Paisa lang talaga ah…

KYAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH~ Kinikilig ako!!!!! Landeee. Hahahahaha! Feeling teenager, kaasar! Hahahaha. Bwisit kasi ‘to si Calix e. Masyado! Napayuko tuloy ako sa sobrang kilig. Punyemas na lalaki ‘to!

“Pst” sitsit niya sa’kin. Sinamaan ko siya ng tingin dahil alam niyang ayokong ayoko ng sinisitsitan, pakiramdam ko isa akong cheap na babae sa kanto na tinatawag ng isang tambay din sa kanto.

“Okay, sorry. Hehehe.” Pagbawi niya. “Dito ka baby” sabi niya sa’kin sabay tap sa sofa. Nakasandal siya sa pinakadulo..

May magagawa pa ba ako? Eh ‘di sumunod nalang ako sa kanya. Umupo ako gaya ng pwesto niya, nakaharap kami sa tv. Yung mahabang upuan kasi nasa gilid, hindi siya yung nakaharap talaga sa tv. Sana nagegets niyo ako. -___- Pagkaupo ko, hinila niya agad ako… tapos yumakap. Nakatalikod ako sa kanya, tapos yung dalawang kamay niya pinaghawak niya. Parang nakakulong ako sa kanya. Ehhhh!! Lande. -///-

I am Loveless ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon