Chapter {39}

2.8K 63 11
                                    

A/N: Hi deepfriedjupiter! As promised, eto na ang update! Thanks for waiting! :)

Namiss ko 'to, seryoso kaya long update ulit! Hahaha, almost one month ding walang update. Dapat kasi talaga sa 23 pa e, kaso birthday kasi ni baby L kaya ngayon nalang. Sana sulit 'tong update ko. Sana lang talaga. Matagal ulit bago ang next UD. Anyway, maraming salamat sa mga nagbabasa pa rin! Love you :)

HAPPY BIRTHDAY MYUNG SOO BABY! I LOVE YOU SOOO MUCH! Hahaha. Feeling girlfriend lang e noh? Pagbigyan niyo na akooo~ 

Vote and comment please. 

____________________________________________________________

Chapter 39

March 1, 2013: Friday

Calix’s POV


Halos mag-iisang buwan na naman mula nung Valentine’s day at hanggang ngayon natatawa pa rin ako kapag naaalala ko yun. Sobrang pakiramdam ko konti nalang magbibigti na ‘tong girlfriend ko e. De biro lang. Pero seryoso, hindi ko na talaga maipaliwanag nun kung gaano ako kasaya. Pucha gay. Hahaha.

Sina Renz tumulong sa’kin nun e. Idea nga ni Owen yun, pero syempre ako nakaisip sa flowers na bumuo ng I LOVE YOU. Nag-isip ako, matagal-tagal ko din yung plinano. ‘Di basta basta yun. Tsaka pinag-ipunan ko rin. Ang mahal kaya ng mga bulaklak. Pero okay lang… Para sa kanya naman e.

Sobrang bilis ng panahon, parang kelan lang yung mga yun e. 
Nakakatuwa nga kasi ganun pa rin kami. Hindi pala. Medyo nagbago din. Nabawasan pag-aaway namin. Sabagay, hindi naman kami palaging nag-aaway. Basta ang alam ko lang mas nagkakaintindihan na kami ngayon.

“Okay guys, free cut na tayooo! Wala daw si sir, may seminar daw siyang a-attend-an. So by next week daw niya iche-check yung project natin sa Statistics and all. Uwian naaa!” masayang masayang inannounce ni Erin sa harap ng klase. Tss, halata e. Ngiti abot batok.

“YAHOOOO! Wahahaha, yeheeey! The best! Gusto ko na umuwi e. Oh yes, TGIF!” sigaw ni Yvonne tapos inikot ikot pa niya yung shoulder bag niya. Tsk, baliw. Hahaha.

“Ohyes mah men! Gala modeee!” sigaw naman ni Sydney habang nag-haharlem shake. -___- Kadiri tignan. Pramis.

“Syd, tigilan mo yan. Ang sagwa.” Sabi ko sa kanya kaya nahampas ako ng wala sa oras. Ang sakit,ah. Ipalo daw ba sa’kin yung pencil case niyang pambata? Yung pencil case niyan phineas and ferb tapos yung parang may hagdan pa. Basta, PAMBATA.

“Gagu ka ah! Wala kang kasupo-suporta ah!” sabi naman niya sa’kin. Tinulak ko lang siya ng mahina tapos nagtawanan kaming dalawa.

Biglang may umupo sa tabi ko. Tinignan ko siya. Kitang-kita ko kasi sa peripheral view ko na nagbu-beautiful eyes siya. Alam kong may gusto na naman siyang mangyari. Lumingon ako sa kanya at tama ako, nagpapa-cute nga siya.

“Bakit?” painosente kong tanong.

I am Loveless ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon