A/N: Balik po tayo ng konti ah? :) And sorry kung mahaba ang update..
Vote and comment please. Please po, last 2 chapters nalang naman e. Hihi. Thank you! ♥
____________________________________________________________
Chapter 43
Calix’s POV
(May 10, 2013)
Pagkatapos ng 3-day trip namin ni Erin, inihatid ko lang siya sa kanila. May pinapadaanan kasi sa’kin ‘tong bwisit kong boss e. Kunin ko lang daw doon at pwede naman daw akong mag-work from home nalang bukas. Habang naghihintay ako dito sa labas ng office ni “beki boss” nakatingin lang ako sa cellphone ko. Wallpaper ko kasi kaming dalawa, syempre. Pucha, kinikilig ako.
Natigil yung pagmo-moment ko dito nang biglang lumabas si Cecille, secretary ni beki, iniabot niya sa’kin yung folder na pinabibigay daw. Psh. Panira.
“Pwede ka na daw umalis. Paki-send nalang daw sa kanya yung file mamaya by 11pm.” Seryosong sabi niya sa’kin. Napatawa naman ako.
“Ang seryoso mo naman masyado, parang ‘di tayo magkaibigan. Ge, alis na ako. Ingat ka diyan, baka masabunutan ka.” Pabulong kong sabi sa kanya. Hinampas naman niya ako bigla.
“Leche ka! Lumayas ka na nga! Hahaha. Bye!” sabi niya. Tinawanan ko lang siya at kumaway habang naglalakad na pababa.
Nung nasa kotse na ako, nagtext ako kay Erin…pero hindi ako nirereplyan? -_- Ano kayang nangyari doon? Baka nasuka kasi sinabihan ko siya na namimiss ko agad siya? Pwede ring naumay na siguro sa’kin kasi parang pagmumukha ko nalang ang nakikita niya? Tawagan ko kaya? Kaso baka naman babaan ako at sabihin na naman sa’king “MAGPATULOG KA NAMAN!!!” Weird. Kung yung ibang girlfriends e gusto yun, siya naman…hindi masyado.
Minsan siguro, pero bihira lang talaga yun. Kapag medyo feeling ko may sakit siya.
Dejoke. Syempre sweet din yun kapag kaming dalawa lang talaga. Pero nahihiya pa rin siya. Ayaw niya ng masyadong madikit. Oo magkasama kami, pero ayaw niya ng sobrang yakapan at kung ano pa. Holding hands siguro, pwede pa.
Ay ewan! Anakng! Bakit ko ba ‘to pinoproblema?
Makauwi na nga lang!
Mga 4:45 nakarating na ako sa bahay. Kumain la bng ako ng kung anong meron sa ref, tapos umupo na ako sa sala at nanood ng Tom and Jerry sa Cartoon Network. Walang matinong palabas e.
Sobrang nag-enjoy ata ako kapapanood, hindi ko namalayang 5:30 na pala. Chineck ko yung phone ko pero wala pa rin siyang reply. Tss, siguro nakatulog? O baka susurpresa--*dingdong dingdong*
Ehhh? Sino naman kayang pupunta dito—AHA! Sabi ko na nga ba hindi ako matitiis nun e. Bwahaha! Ngiting tagumpay akong lumabas at naglakad palapit sa gate.
“Babe? Ikaw ba yan? Namiss mo ak..o a—Anong ginagawa mo dito?” nagulat ako sa nakita ko… Hindi si Erin kundi si Les. Bigla niya akong niyakap.
Kahit gulat na gulat pa rin akong makita siya dito, niyakap ko na rin siya. Namiss ko talaga siya. Pero wala na yun. Hindi na ganun yung pakiramdam…
Akala ko yun na ang pinaka-nakakagulat sa lahat, meron pa pala.
“Baby!! I missed you so much! Finally nagkita na ulit tayo!” masayang sabi niya tsaka siya humiwalay sa pagkakayakap…
“A-anong sinasabi mo?” takang-takang tanong ko sa kanya, She just smiled, tapos bigla akong hinalikan. I tried to kiss her back… pero wala na talaga akong maramdaman. Hindi ko alam kung bakit pero parang may nakatingin samin, kaya dumilat ako..
BINABASA MO ANG
I am Loveless ♥
Teen Fiction“Darating naman yung para sa'yo e.. Ang kailangan mo lang gawin ay maghintay.”