Chapter {27}

2.9K 76 23
                                    

A/N: Hi EricaJoyDequito! Para sa'yo 'to! Sana magustuhan moooo! :)

ENJOY! :)

Vote & Comment please. 

____________________________________________________________

Chapter 27

Calix’s POV

Hay 3 days na nakalipas after nung Cebu Trip namin.. pero wala pa rin. Hanggang ngayon hindi pa rin kami nagpapansinan na para bang hindi kami magkakilala. Namimiss ko na siya. Ay nakakaasar naman kasi e. Tsk.

Nakatambay lang ako dito sa field. Vacant naman namin e. Mag-iisip isip lang muna ako ng gagawin ko baka sakaling umepekto.

“Pangeeet!” sigaw ni Sydney mula sa malayo. Tinignan ko lang siya. Lumapit naman siya sa’kin at umupo sa tabi ko.

“Oy, okay ka lang?” tanong niya.

“Mukha ba akong okay? -_-” tanong ko naman sa kanya tapos sinamaan ko siya ng tingin.

“Fine! Sorry naman.” Sabi naman niya. Ngumiti lang ako at ginulo yung buhok niya. Buti nalang talaga palaging nandito ‘tong best friend ko..

.

.

.

“Panget, sigurado ka bang…hindi mo na mahal si Les?” biglang tanong niya na ikinagulat ko naman talaga.

Hindi na nga ba? 

Sa nararamdaman ko ngayon.. wala na talaga e. Hindi ko na nararamdaman yung tulad ng dati. Yung kapag naririnig ko yung pangalan niya e kulang nalang lumabas yung puso ko.

Tsaka may iba ng laman yung puso ko.. at sigurado akong si Erin yun.

“Hindi na.” matipid kong sagot sa kanya. Ngumiti naman siya sa’kin.

“Oo nga pala. May bago na nga pala. *ehem* Hahaha” pang-aasar niya pa sa’kin. Minsan talaga epal ‘to e. Nakakaasar.

“Tigilan mo ako ah. Baka pag ako ang nang-asar sa’yo mainis ka na naman sa’kin. Hahaha. Tapos hindi mo na naman ako papansinin ng mga dalawang araw.” Sabi ko naman sa kanya tapos tumawa ako ng nakakaloko. Hinampas niya ako bigla sa braso. Sadista talaga. -_-

“Ang epal mo! Hahaha. Noon yun uy! Bata pa kasi tayo nun tsaka ikaw kasi napaka-epal mo! Kung makapang-asar ka sa crush ko akala mo wala ng bukas!” sabi naman niya at syempre nakatikim na naman ako ng mga hampas.

“Ikaw kasi masyado kang pahalata diyan, kaya nabuking ka tuloy! Hahahaha!” sabi ko tapos tumawa ako ng tumawa.

Napatigil kaming dalawa ni Sydney ng may biglang dumaan sa harapan naming… o__o 

Si Erin pala. Nakatingin lang siya saming dalawa habang naglalakad.. Ako naman tinignan ko rin siya. Ngingiti na sana ako kaya lang dumiretso na siya ng tingin at yumuko.

Gusto ko siyang lapitan.

Gusto ko siyang kausapin.. *sigh*

Tinap ako ni Sydney sa likod at sinabing okay lang daw yun. Nakakainis. Tsk. Ang hirap naman ng ganito oh. Ayoko sa lahat yung ganitong pakiramdam e.

I am Loveless ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon