A/N: Hi there FarnieAr! This is for you! Sana magustuhan mo! :)
ENJOY! :)
Vote & Comment please. ♥____________________________________________________________
Chapter 7
Lacey's POV
Three days na ang nakakaraan, pero ganito pa rin. Di pa rin niya ako pinapansin masyado. Kung anong kina-okay namin ni Patrick.. Haaay.Naglalakad ako dito sa hallway nang may narinig akong parang may nag-uusap usap. Gumilid muna ako at medyo nakinig. Wag niyo na ako pakielaman, gusto ko maging tsismosa ngayon! Hahaha.
“Pare, yaan mo na. Bakit ba kasi di mo pinapansin? Tapos maghihimutok ka ngayon diyan? Tanga ka?” sabi nung isang lalaki. grabe naman siya maka-tanga sa kaibigan niya.
“Ayoko e. Isa pa, masaya na yun. Tama na.” sabi ni isang guy. waahhh! Nakaka-curious. Sino kaya yun? Silipin ko kaya? Wala namang masama diba?
Habang dahan-dahan akong sumisilip...
“Huy!” WAAAHHHHH! WAAHHHH! Napatakip ako bibig ko, kasi dapat wag maingay. Mabubuking kung gaano ako ka-chismosa!
“Bakit mo ako ginugulat Maria Therese? Gusto mo masapak? Ha?” tanong ko kay Therese.
Abnormal 'to, tawa ng tawa. Ang abnoy daw ng mukha ko. Sige nga gulatin ko siya, kapag maganda pa rin siya bibigyan ko siya award! Hahahaha.
“Ano ba kasing ginagawa mo diyan? Ikaw ha.” sabi naman niya sa'kin.
“Ah, wala naman. Hahaha. Ikaw intrigera ka!” sabi ko naman sa kanya. Baliw talaga 'to. Para nakikinig lang naman ako ng usapan ng iba e, masama ba yun?? Ang alam ko, masama lang talaga yun. Okay, the insane Lacey's present again. Hahaha.
“Sus, I think nakiki-chismis ka. Tama ako noh? Umamin ka kundi ililibre mo ako ng Mcdo twister fries! Hahaha. Anooo?” suko na ako…
“Ililibre nalang kita, kaibigan. Tara na!” sabi ko tapos hinila ko na siya pababa.Tuwang-tuwa naman ang loka. Hahaha. Lumabas kami ng campus. Konting lakad lang, Mcdo na. Pumunta na kami sa counter. Aba ang thickeroo talaga ng face ng kaibigan ko, maawa naman daw ako kasi pinaglakad ko pa siya! Kaya dapat daw samahan ko na ng meal! Juskooo! Kasalanan ko pa ngayon na naglakad siya?? WOW AH! Ganito kahusay ang kaibigan ko!
“Oh ayan na ang order mo madam. Hiyang-hiya naman ako sa'yo eh! Haha joke.” sabi ko nalang.
“Charotera ka! Tinatanong lang kita kung nakiki-tsismis ka dun sa kung sinong mga nag-uusap e. Hahaha bigla mo 'kong hinila para mag-Mcdo nalang! Pauso kaaa!” sabi naman niya sa'kin. Oo nga naman. Tanga din ako minsan e no?
“Hahaha, oo na. Ako na nga sabi ang may kasalanan. Kain na tayo. 1hour nalang, babalik na ako. Tapos na ang break time ko. Ikaw hanggang what time ka?” tanong ko.
BINABASA MO ANG
I am Loveless ♥
Teen Fiction“Darating naman yung para sa'yo e.. Ang kailangan mo lang gawin ay maghintay.”