A/N: Hi freakprincess05!! Sana magustuhan mo! :)
Btw, paki-play po yung kanta. Hmm, wala po kasing girl version e.. pero ang ganda kasi. :') Thank you! Vote and comment please. ♥
____________________________________________________________
Chapter 41
Lacey’s POV
Boyfriend niya…ulit si Calix?
Ang alam ko 4th year high school pa sila wala… yun ang alam ko e. Diba? Diba?
E a-ano ‘to? A-no ‘to?FCK CALIX!!! MAGSALITA KA PLEASE!
Sabihin mo lang na hindi… maniniwala ako sa’yo. Please sabihin mong hindi.Ikaw lang ang pakikinggan ko. Ikaw lang, please…
Nagpanggap akong walang pakielam… Walang alam.
Inabot ko yung kamay ko kay Calix at nakipag-shakehands pa. Hah! Ang galing ko.. Kulang nalang magwala ako dito at ibuhos lahat ng luha ko. Pero bakit ganito? Walang lumalabas na luha kahit konti. Ang alam ko lang sobrang sakit. Walang kasing-sakit e.“Wow, it’s so nice meeting you Calix.” Binitawan ko agad siya as I smiled with ALL THE BITTERNESS na nararamdaman ko.. Nakatingin lang siya sa’kin na parang naaawa na ewan. Yung tingin na gusto niya akong hilahin at yakapin. Sht siya.
“Oo nga pala ate. I really have to go. May gagawin pa kasi ako e. I think you can manage now, since pwede ka naman sigurong ihatid ng BOYFRIEND mo, diba?” I looked at Calix. Yumuko lang siya. HEY!!! SAY SOMETHING!! Tangina…“Bye ate! And oh, Calix… sana alagaan mo ang ate ko at sana…
Wag mo siyang lolokohin. Bye” pagkatapos kong sabihin yun naglakad na ako palayo. Hindi ko alam. Pakiramdam ko hindi ko na kayang mag-stay pa dun.. Pakiramdam ko mamamatay lang ako sa sakit..
Normal POV
Hindi alam ni Calix kung anong gagawin niya.. Dahil siya mismo, walang alam sa mga nangyayari. Napatingin siya sa babaeng nasa harapan niya, si Leslie, ang first love niya. Gulat na gulat pa rin siya sa nalaman niyang magkapatid pala ang dalawa. Una, Leslie Ienne Samantha Chua and pangalan nito at hindi naman Morales ang apelyido… kaya kahit kailan ay hindi sumagi sa isip niya na posibleng magkakilala sila…and worse, I mean WORST, magkapatid pa pala.Nginitian siya ni Les. Nagtitigan lang silang dalawa bago nila marinig ang sigaw ng isang 15-year-old na dalaga, si Caley.
“Ohmygosh, Ate Les!!! I missed you po!” sigaw nito habang tumatakbo pa palapit kay Les.
Spaced out na si Calix. Wala pa rin siya sa sarili niya pero isa lang ang gusto niyang gawin ngayon… ang sundan ang girlfriend niya. Kinuha niya ang pagkakataon habang masayang nag-uusap ang kapatid niya at si Les.
“Les, dito ka lang..pumasok muna kayo ni Cay sa loob. May p-pupuntahan lang ako.” Tumango naman yung dalawa at pumasok na sa loob.
BINABASA MO ANG
I am Loveless ♥
Teen Fiction“Darating naman yung para sa'yo e.. Ang kailangan mo lang gawin ay maghintay.”