Chapter {6}

4.8K 111 44
                                    

A/N: Hiiiii! This is for you tootsieroll! Sana gumawa ka ulit ng story.. Please pleaseee. *u*

ENJOY! :)

Vote & Comment please. 

____________________________________________________________

Chapter 6 

Lacey’s POV

“HAAAAAA? A-anong ibig mong sabihing hindi sila darating? H-hoy di pwede yun! Pumunta punta pa tayo dito ng maaga tapos wala tayong ibang kasama? Walang ibang makakatulong? Uuwi nal—” hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko nang bigla siyang huminto.

“Di ka ba titigil kangangawa diyan? Totoo yung sinabi ko. Lahat sila may dahilan, kaya tayo nalang ang gumawa.” Sabi niya. Di ko alam kung matutuwa ba ako sa lalaking ‘to e.

Lumakad lang kami ng lumakad, hanggang sa hindi ko na alam kung nasaan na ba kami. Baliw ‘to e, ililigaw pa ata ako. Nakakaasar na ah! Imbes na mahimbing pa akong natutulog ngayon e.

“Hoy nasaan ba ako?” tanong ko.“Anong nasaan ka, baka nasaan tayo? Tss. Makasarili.” Iritableng sagot niya.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Hayup ka, mamaya ka sa’kin Calix Dale Vasquez!!! Pangit mo! Di na kita crush! Salbaheeee! Kapal pa ng mukha, di man lang bitawan yung kamay ko bwisit. Kamay niya? Kamay niya???

“Ah uy, di na ako mawawala dito. Pwede mo na akong bitawan.” Sabi ko nalang. Kesa naman mag-inarte pa ako diba?? Masyadong masaya yun! Hahahaha.

“Tss, yan na. Bahay mo saan?” biglang tanong naman niya. Sheeeet iuuwi na niya ako tapos di na kami gagawa ng project!!

Sinabi ko sa kanya yung address namin. Sumakay nalang kami ng bus. Hahahahaha! Nakakatawa siya, ang cute cute niya. Takot na takot si kuya, di sanay tumayo. =))) Oo, ako lang pinaupo niya. Medyo may pagka-gentleman naman pala ‘to.

“Oy, sabihin mo nalang kapag malapit na tayo. Baka mamaya malagpasan natin subdivision niyo.” Sabi naman niya sa’kin pero di naman nakatingin. Parang timang. Hahahahahaha laughtrip! Ngumiti lang ako.

Maya maya lang bumaba na rin kami. Nakakatawa talaga yung itsura niya parang weird. Napatawa ako bigla. Laughtrip lang kasi talaga.

“Saan ba kayo dito? Bagal mo namang lumakad e. Palibhasa medyo maiksi kasi yung legs mo e. Hahaha.” Bigla siyang tumawa ng tumawa. He he he.

“Bye, diyan ka na. Uuwi na ako.” Tapos tumakbo ako. Maiwan ka diyan! Maiksi pala ang legs ah! FYI mahaba na ‘to kumpara sa ibang babae!! Medyo matangkad naman ako ah. EPAL neto.

“Hoy saglit lang, joke lang yun. Hahaha.” Sabi niya sabay hawak sa braso ko. Pigil pigil ka ngayon sa’kin. Kung kelan tumakbo na ako, tss.

Di ko nalang siya pinansin. Bakit ba ganito ‘to sa’kin ngayon? Di naman ako pinapansin masyado neto noon ah, ngayon kung makapanloko at mantrip akala mo naman CLOSE kami! Oo, gusto ko talaga siya maging ka-close pero.. ayyy ewan! Mababaliw na naman ako.

Nakarating na kami sa tapat ng bahay. Kinuha ko na yung susi at pumasok na sa loob. Sumusunod lang naman siya sa’kin. Pinaupo ko nalang muna siya dun.

“Erin, dito ka na dalian mo.” UTUSAAAN? Wala nga samin mga gamit e. Lahat nandun kina Yany. Wala naman siyang kahit anong dala e. Lumapit ako sa kanya at umupo dun sa tabi niya, pero medyo malayo. Bigla naman siyang tumayo tapos pumunta dun malapit sa tv. Mga lagayan ng DVD.

I am Loveless ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon