Chapter {16}

3.7K 100 18
                                    

A/N: Hello~ This is for you BeigyyGirl! Thank you sa comments and posts mo, sobrang na-touch talaga ako! Sana magustuhan 'to! Loveyou! ♥

ENJOY! :)

Vote & Comment please. ♥

____________________________________________________________

Chapter 16

Lacey's POV

Whooo. Breathe in, breathe out. Papasok na ako ng venue.. kinakabahan kasi talaga ako e. Although kasama ko 'tong mga kaibigan ko. Hinatid kasi nila ako e since tapos na naman yung klase nila. Gabi kasi 'tong Acquaintance Party namin, 6pm, sa parang bar pero hindi naman yung simpleng bar lang ah. Kasama namin ang head ng college namin. 

“Oy, ano pang ginagawa mo?” tanong sa'kin ni Therese kasi nga nakatayo pa rin ako dito sa labas ng bar.  

“H-ha? A-ano kasi e, nahihiya ako.” sabi ko pa sa kanila sabay hatak pababa ng dress ko. Pinalo naman ni Bea yung kamay ko.

“Ano ka ba, bakit ka ba hila ng hila ng damit mo ha? Ang haba pa nga niyan e, hello? Ka-level lang kaya ng tuhod mo! Pauwiin kita diyan e!” sabi sa'kin ni Amethyst. 

Eh kasi naman e. Nahihiya ako. Hahaha. Bakit nga ba ako nahihiya? Para naman akong tanga e. Whoo! Kaya ko 'to! Kailangan ko na pumasok bago pa man din dumami yung tao.. 

“Ano, dito ka nalang? Magpaparty ka mag-isa?” tanong ni Bea in a sarcastic way. 

“Psh, oo na. Ito na nga ho lola diba?” sabi ko. 

Yumakap na ako sa kanilang tatlo at nag-thank you ng bonggang bongga! Hindi muna sila umalis hangga't di pa ako pumapasok dahil baka daw tumakas pa ako. Hahaha ano ako snatcher o holdaper na nahuli? As if namang tatakas ako e excited nga ako sa Party na 'to. 

Pagbukas ko... nakita ko agad yung mga ka-block ko. Ang dami rin pala namin dito noh? Buong College pala namin. Dumiretso ako dun sa may bandang unahan kung saan nandun sina Mae. 

“Maeee!” tawag ko kay Mae sabay takbo at niyakap siya. Nagulat ako nang biglang may naglayo sa'kin kay Mae.

“Oy, tama na matomboy ka pa sa girlfriend ko e. Shupi!” sabi sa'kin ni ANDY?? Possessive masyado. As if matotomboy ako.. 

“OA mo na naman ah.” sabi ni Mae tsaka kinurot yung ilong ni Andy. Hahaha ang cute cute naman nila. 

Umupo na ako dun sa couch, 7:00 pa naman ang start e. 6pm lang ang sinabi para wala namang ma-late. Alam niyo naman ang mga tao.. masyadong tinatangkilik ang Filipino Time. Wahaha! Kapag sinabi mong 6pm, 7pm na darating. 

Nagtext na ako kina Amethyst.

Message to: Amethyst; Bea; Therese

| Hi friends! Thank youuu! Love you! :* |

Pagkasend ko nun, itinago ko na agad yung cellphone ko kasi ang bilin nila sa'kin wag akong gagamit ng cellphone. Mag-focus daw ako sa party na 'to. Jusko mga nanay ko. Hahaha!

Pagkatago ko nung cellphone ko napansin kong may umupo sa harapan ko... tinignan ko kung sino. Spell gwapo nga please... 

“Uh, hi.” bati niya sa’kin. 

“Ahm, hello.” sagot ko naman sa kanya. 

Ewan ko ba pero parang ang awkward. Basta simula nung ano.. ah.. nung niyakap niya ako ganito nalang ang usapan naming dalawa. Puro 'hi', 'hello', 'bye', 'ingat' basta mga ganyan lang. Nahihiya siguro siya kasi bigla nalang niya akong niyakap.. Eh hello? Ano pa ako? MAS HIYANG-HIYA AKO! 

I am Loveless ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon