Chapter {8}

4.3K 97 37
                                    

A/N: This is for you Cladine_16! Sana magustuhan mo! :)

ENJOY! :)
Vote & Comment please. 

____________________________________________________________

Chapter 8

Lacey's POV


Kaya pala siya nagtext, may nalalaman pang surprise surprise sus napakapauso. Hahaha joke lang. Sinundo ako para maglaro daw kami sa Tom's World! -_- Jusko po... hahahaha! Akala ko naman kung saan niya gusto pumunta o anong gusto niyang gawin biglang sabi “Tom's World tayo!” parang tanga diba?

“Pagod na ako, Patrick. Hahaha. Nakakaloka ka.” sabi ko sa kanya.

“Sus, kaya mo yan dali na! Oh eto pa tokens.” sabay abot sa'kin ng sampu pang tokens. Ang laki na ata ng nagagastos niya sa tokens. Nung pagpasok palang namin ang dami na niyang binili. Feeling ko nga naka-500 na 'to e. Kanina pa kaya kami nandito.

Naglalaban kami sa basketball. Di daw ako kakain hangga't di ko siya natatalo. Eh hello? Hiyang-hiya naman ako sa kanya noh! Lalaki kaya siya at babae ako! Patawa ba siyaaaa? Papatayin niya ba ako? Eh halos di ko na nga mahabol hininga ko e. Tulad kanina, 45 lang score ko tapos siya 83!

LOKOHAN BA TALAGA 'TO?

“Hoy ayoko na, di ko talaga keri. Ikaw nalang maglaro diyan. Papanoorin nalang kita. Tsaka okay lang kahit di mo ako ilibre, ako bibili ng pagkain ko! Hahahaha.” sabi ko sabay upo dun sa motor. Yung laruan din. 

Tumabi naman siya sa'kin tapos tatawa tawa pa. Nakakairita. May nakakatawa ba dun? Nakakainis kaya. Hahahahahaha. ‘Pag natatalo, nakakainis agad?

“Ganun? Hahaha, sige na nga. Kawawa ka naman e. Di na rin ako maglalaro.” tinignan ko siya..

“Videoke tayoooo!” pagsa-suggest ko. “Sige ba! Tara!” hinila niya ako papunta dun sa kantahan.. kaso parang biglang ayoko naaaa. Weird, Lacey. Parang gusto ko nalang umuwi..

YES! Sakto, walang bakante! Wahahaha! Ang sama ko. Ehh kasi biglang sumama pakiramdam ko, gusto ko na talagang umuwi as in.. Gusto ko matuloooog. 

“Les, walang bakante e. Paano na? Timez—” 

“Talaga? Sayang naman.. Ahm.. sige uwi nalang kaya tayo?” waahh pumayag ka.. pumayag ka na, Patrick... Parang awa mo na. 

“Sige…” SIGE? SIGE? SIGE?! Yeheeeey! “Sorry ah, sumama kasi pakiramdam ko e. Dibali next time nalang ulit.” pagkasabi ko nun, ngumiti nalang ako. 

Umalis na kami at hinatid na niya ako pauwi. Mabilisang paalaman lang at tumakbo na ako sa loob ng bahay. Ewan ko, gusto ko biglang tumakbo.

“Waahh Luke! Hi Trina!” bati ko sa kanilang dalawa. Taray sweet pala 'tong kapatid ko noh?

I am Loveless ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon