Chapter {33}

3K 74 8
                                    

A/N: Hi JoanneCarreon! :) Para sa'yo 'to! Sana magustuhan mo!!

Sorry, magulo ang update na 'to. Walang kwenta -__- Pero...

ENJOY! :)

Vote & Comment please. 

____________________________________________________________

Chapter 33

“Nothing is happier than falling in love.. Specially if the person that you’ve fallen for, is much more ready to catch you since before.”

Lacey’s POV

Naglalakad na kami palabas ng gate. Late na rin kasi, siguro magse-seven na din kaya ihahatid na daw niya ako. Ohmygad, kinikilig ako! Hahaha. Nung una nga ayoko pang pumayag kasi siyempre nahihiya pa ako, kahit hindi naman talaga. Dejoke, nahihiya naman talaga ako e. -_-

Sobrang saya ko kaya. Basta, kakaiba yung pakiramdam. Ngayon ko lang naramdamang napakahalaga ko pala. Ngayon ko lang naramdaman na ganito pala ako dapat tratuhin. Alam niyo yun? Ang saya. Parang kanina lang ang lungkot lungkot ko kasi hindi pa rin kami nagpapansinan e. Basta, ang bilis ng mga pangyayari.

Wag lang ‘din sana maging ganito kabilis na bawiin sa’kin yung kasiyahang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko pa kaya. Hindi ko kaya.

Ayy ewan! Bakit ko ba kasi iniisip ‘yun ngayon? Sabi nga nila diba, cherish the moment while it lasts. Kaya siguro ganun nalang ang gagawin ko. Tama tama! Kaya ko ‘to!

Hindi ko namalayang nandito na pala kami sa tapat ng subdivision. Naramdaman kong may pumisil ng kanang kamay ko. “Uy, okay ka lang ba?” tanong niya na halata namang nag-aalala. Tumingin lang ako sa kanya at tumango.

“Parang ang lalim lalim ng iniisip mo e.” sabi niya. 

“Ah…haha. Hindi naman. Masaya lang ako.” Sabi ko sa kanya tsaka ko siya nginitian.

“Pangarap ko kasi ‘to e. ‘Yung ganito. I mean yung may kasabay akong maglakad pauwi, yung maghahatid sa’kin habang hawak hawak ‘yung kamay ko. Na para bang sinasabing hindi ko kailangang matakot kung sakaling mang may mga siraulong lalaking mambabastos sa’kin dito o kay may bigla mang lumapit sa’kin at tutukan nalang ako ng ice pick para holdapin ako. Haha. Eh basta, matagal kong hinintay ‘yung ganito. Ang sarap sa pakiramdam. Never ko naman kasing naranasnan ‘to e.” Pagpapatuloy ko pa. Nakatingin nga lang siya sa’kin kaya medyo nadi-distract ako.

“Eh diba hinahatid ka naman ni ANDOY mo? Tsaka hinatid ka na rin naman ni PATRICK noon? Paano naging first time?” tanong niya na parang nagseselos pa yung tono ng boses niya. Hahaha, natatawa na naman ako sa kanya. Mabanatan nga!

.

.

.

“Iba kasi… hindi ko naman sila mahal tulad ng sa’yo e.” seryosong sabi ko sa kanya. Sa totoo lang ayoko siyang tignan kasi sigurado akong matatawa ako sa expression ng mukha niya. Yumuko siya tapos napakamot sa batok niya. ANG CUTE!

“Tss, pakilig ka pa e. Yung totoo kasi.” Pagpupumilit niya.

Ay. So pinapalabas niyang sinungaling ako?

I am Loveless ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon