A/N: Hi novy08! This is for you! Sana magustuhan mo! :)
ENJOY! :)
Vote & Comment please. ♥____________________________________________________________
Chapter 20Lacey's POV
“Friends please, tigilan niyo ang kahibangang ito! Ayoko na. Ayoko na magka-love life! Okay na ako sa crush. Waah parang awa niyo na, ayoko na makakilala ng bago~” sabi ko sa kanila habang magkadikit pa yung dalawang palad ko na nagmamakaawa.
Eh kasi naman noh, kung kani-kanino nila ako pinapakilala. Akala niyo ba pangalawa lang 'to? Hindi noh! Jusko yung iba pinakikilala lang talaga nila ako. Blockmates o kakilala nila. Ayoko na nga e. Sabihin pa napaka-desperate ko naman. -_-“Tigilan mo kami ah, sige na. Pasok na sa loob. Wag ka na nga makulit diyan!” sabi ni Therese sa'kin sabay batok pa sa'kin. “Aray naman!” sabi ko.
“Wala ka ng magagawa, ‘di pwede mag-back out. Pasok na! Text mo kami ah? Byebye! Love you with all our hearts! Hahaha byeee~” pagkasabi ni Bea nun niyakap nila akong tatlo at tumakbo na. The hell! Mga abnormal ang mga kaibigan ko, bakit ganito?
Wala na rin naman akong magagawa kaya pumasok nalang ako sa loob. Bahala na si Phineas sa'kin. Ililigtas naman niya ako in case manyak man yung magpapakita sa'kin ngayon e.
Naglakad na ako at nagpalinga-linga, baka sakaling makita ko kung sino man yung guy na yun hanggang sa.. t-teka?
.
.
.
Anong ginagawa niya dito?
Hindi ako pwedeng magkamali, siya talaga yan. Oh em gee. Makikita niya ang pagiging desperada ko--este ng mga kaibigan kong magka-love life ako..
Umikot ako para 'di niya ako makita pero...“Erin?” SHET. Walang silbi. -_-" nahuli pa rin ako. Huminga ako ng malalim at saka lumingon..
“Hehehe. Hi Calix!” bati ko sa kanya. Na-weirduhan naman siya sa itsura ko kasi napakunot noo siya.. mukha kasi akong ewan e.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong niya sa'kin. Hindi kaya siya magka-stiff neck niyan? Nakatalikod kasi siya tapos nakalingon sa'kin.
Lumapit ako ng konti sa kanya, para naman hindi na siya masyadong mahirapan. Kawawa naman e. Hahaha.“A-ano kasi, may kalokohan na naman mga kaibigan ko.” pagkasabi ko nun, napayuko ako at napakamot sa batok ko. Narinig ko naman siyang tumawa kaya lalo akong nahiya.
“Blind date ba ulit?” tanong niya. Tumango lang ako. “Okay lang yan.” sabi niya sabay tap sa balikat ko.
Wow ah. Laking tulong nun. Sobra. Yung tipong nakakaiyak talaga. Na-touch ako ng sobra e. -_-”
BINABASA MO ANG
I am Loveless ♥
Teen Fiction“Darating naman yung para sa'yo e.. Ang kailangan mo lang gawin ay maghintay.”