PROLOGUE

1.8K 33 1
                                    

"Kawawa naman ang birthday girl, natalo sa pustahan." Agad kong sinamaan ng tingin ang kaibigan kong si Maychie.

"Oops! Sorry, walang excemption sa mga may birthday d’yan." Talagang ako ang pinupuntirya ng mga 'to ha.

"Grabe, wala na nga kayong regalo, papahirapan n’yo pa ako!" Inis na sigaw ko sa kanila pero tumawa lang silang dalawa.

"Eto naman, gusto ka lang naman naming mag-enjoy sa birthday mo e!" Paano ako mag-e-enjoy kung ngayon palang ay kinakabahan na ako sa ipapagawa nila sakin dahil sa lets*ng pustahan. Susmiyo, malay ko bang tatagal na mag-fling sina Maychie at ang crush n’ya! Dapat talaga naging supportive kumare nalang ako!

"Madali lang, promise." Hindi kapani-paniwala ang mukha ng isa ko pang kaibigan na si Rayzelle.

"Tch. Madali raw e hanggang ngayon nga naalala ko parin yung dare nyo sa akin noon na humawak ng ipis sa loob ng isang minuto. Alam nyo bang halos atakihin na ako sa puso ko sa pinagawa nyo’ng ’yun!" Ipis ang pinakakinatatakutan kong insekto tapos yun pa talaga ang naisip nila. Hinding hindi ko makakalimutan yun. Sasabog na ako sa inis dito samantalang sila ay panay ang pagtawa ng malakas.

"So, heto na nga. Music maestro!"

"T*ngeks, wala tayong maestro!"

"Eh basta may music tayo alam ko, patugtog ka muna para kumalma ang heart ni Lexie."

Ang kulit ng dalawang ’to!

"Alam nyo pinapatagal nyo pa e. Please lang sabihin nyo na para magawa ko na ngayon din at matapos na ang kabaliwan nyong ‘to." Nagtinginan silang dalawa at sabay na ngumiti ng nakakaloko. Lalo akong kinabahan.

"Nakikita mo ba yung lalaking nakatayo mag-isa dun sa may waiting shed na naka-jacket at naka-cap?" Tinignan ko naman ang itinuturo nila. Nanlaki naman ang mga mata ko, saglit nga may kinalaman ba dun sa lalaking yun ang ipapagawa nila?!

"T-teka, bakit kayo mandadamay ng isang inosenteng tao sa kalokohan n’yo?!"

"Ano ka ba, mas madali kaya ‘pag hindi mo kilala!" Napakunot naman ang noo ko. Anong mas madali ang pinagsasabi nila?

"Ano bang gagawin ko sa lalaking ’yun?" Muling nagkatinginan sila Maychie at Rayzelle at saka sila nag-apir sa isa't isa at humagalpak ng tawa.

"Kunin mo yung cellphone n’ya at--"

"Gagawin nyo akong magnanakaw?! Aba ayoko pang makulong!" Hinding hindi ko gagawin yun ano. Mamaya pulis pa pala ang lalaking yun tapos bigla nalang akong lagyan ng posas.

"O'sya eto nalang, halikan mo nalang sya." Halos limang minuto yata ako hindi nakagalaw sa kinatatayuan ko.

"Lexie, ano na? Hello, Lexie! Gawin mo na." Umiling iling ako.

"H-hindi ko kaya ’yang pinapagawa nyo! I-iba nalang please--"

"Bawal tumanggi ’no! Baka nakakalimutan mo rin yung dare mo sa akin nun na sumampal ako ng hindi ko rin kilalang lalaki sa MRT." Ginagantihan nila ako? Karma naman, bakit ngayon pa?

"Kapag hindi mo nagawa, bayaran mo nalang kami ng tig-3k." At ngumiting wagi sila. Six thousand?! Aba saan ko naman kukunin yun?!

"Ano kiss or 3k times two?" Grabe na talaga sila waaaahhh! Wala na talagang ibang paraan para matapos ’to, gabayan n’yo nalang po ako, Lord. Napadasal tuloy ako ng wala sa oras.

"Ok, gagawin ko na. Saka ayos lang namang sa pisngi ko sya hahalikan ’di ba?" Nanlaki naman ang mga mata ko at napahawak ako sa labi ko ng umiling sila.

"Lips to lips dapat ’no! Go Lexie! Kaya mo yan, mare!" Tinulak naman nila ako papunta sa kabilang kalsada.

At heto na nga, kaya mo ’to self!

Tumayo ako sa tabi nung lalaking sinasabi nila at kinulbit ko ito. Nilingon nya ako at masasabi ko lang na shemay ang gwapo ni Kuya pero nakakunot ang noo nito sa akin ngayon, mukhang bad mood! Nakakatakot!

"Pwede ka bang halikan?" Lakas loob na tanong ko. Pwede bang kainin na lang ako ng lupa ngayon na?! Sobrang nakakahiya!

Tinitigan nya pa ako saglit saka nagbago ang itsura nya.

"What the f*ck! Are you crazy?!" Inis na sigaw nito sa akin at agad na naglakad na palayo. Oh shems, ano nang gagawin ko?

Hinabol ko ito at agad hinigit ang kamay nya para mapaharap sya sa akin. Naka-kunot parin ang noo nya sa akin at bakas ang inis sa mukha nya.

Pero hindi ko na inalintana pa yun. Agad kong inilapit ang mukha ko sa kanya at hinalikan sya sa labi.

Mabilis lang ang pangyayaring 'yun. Natulala sya at masama ang titig nya sa akin. Natakot ako sa tingin nya kaya agad na akong tumakbo palayo.

Mabuti naman at hindi nya ako hinabol.

Grabe ito na ang pinaka-nakakahiyang ginawa ko sa buong buhay ko! At isa pa, nabigay ko ang first kiss ko sa isang lalaking hindi ko kilala?!

Oh gosh, nagawa ko nga ang ipinagagawa nila pero hindi na virgin ang lips ko! Good bye, first kiss!

---

Quit Making Me FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon