Legit, Seven

78 3 0
                                        

narration. April 17, 2021 | 10:09 AM

Avianna

"ATE, pansin mo ba ang napapansin ko?" Olivia asked as she sat beside me.

Tumango naman ako. "Kanina pa 'no," tugon ko rito.

"Tsk. Delikado 'to."

"Bantayan na lang natin. Kung ayaw paawat, edi icocomfort natin kapag nasaktan. Bilang mga ate niya responsibility natin 'yon," I said.

Olivia just heaved a deep breath beside me as we continue watching Alaric and Aisha really having fun with each other.

Wuw, nice. Mabilis pa sa fast.

April 17, 2021 | 3:45 PM

"AVIANNA tara kain."

Ngumiti ako saka umiling sa imbitasyon ni Ravi sa akin. Kalalabas ko lang ng kwarto at nandito pa rin pala sila. Medyo tumahimik kasi kanina kaya akala ko ay umalis na sila. Well, turns out hindi pa nga.

"Hindi ka kakain 'te?" Aisha then asked me.

"Hindi. Mamaya na lang. Hindi pa naman ako gutom," tugon ko rito at tumalikod na rin sa kanila.

However as I did that... brr. Brr. Brr.

I immediately stopped on my tracks. Goodness gracious, bakit ngayon pa siya nag-ingay? Sabi ko hindi ako gutom eh!

"Naku, gutom na nga. Alam mo Avianna, halika na. Kasya pa naman 'tong linuto ni Ravi oh."

Dahan-dahan akong lumingon sa kanila habang bahagyang nakangiti. Nakita kong busy si Alaric sa paglagay ng pagkain sa isang bagong pinggan. Wow, magbabatch two na lang bagong pinggan pa ang ginamit. Sosyal din naman pala.

"Halika, upo ka rito." Ngumiti ako saka naupo sa tabi ni Nyx. Ngumiti lang din naman siya sa akin.

"Here, for you."

Nagulat ako noong makitang iniabot ni Alaric ang pinggan na inasikaso niya kanina. Literal na nanlaki ang mga mata ko.

"Ha?" I asked absentmindedly.

He chuckled. "Para sa'yo."

Pakiramdam ko pinagtitinginan kami ng mga tao sa paligid kaya nagpakawala ako ng isang nahihiyang tawa bago tanggapin ang ibinibigay niya sa akin.

"Thank you," turan ko and he just smiled at me.

"Gutom ka na kasi talaga ate. Aarte-arte ka pa eh mamaya pa uuwi 'tong mga 'to. May rehearsal pa sila ng sasayawin sa debut ko eh," Olivia said and if I could, baka nahampas ko na siya ngayon.

Sabihan ba naman akong maarte sa harap ng mga taong hindi close sa akin? O mga taong hindi ko kilala rather.

"Kumain ka na lang diyan," she said and gave me peace sign.

Malamang. Andito na ako eh. Ano pa bang magagawa ko, Olivia? Tss.

"AKO na riyan," turan ko noong makitang akma pa yatang maghuhugas ng pinggan sina Nyx at Colton.

"Ah, hindi na. Kami na. Ayos lang naman," said Colton.

"No. Bisita kayo rito eh. Ako na. Magpahinga na lang kayo kasi may rehearsal pa kayo di'ba? Save niyo na lang energy niyo para ro'n." Ngumiti ako matapos sabihin 'yon.

"Sure ka? Pwede namang kami na lang. Sanay kami rito, don't worry." This time, it was Nyx who said that.

"Yup. Ako na lang. Doon na lang kayo sa living room. Take a rest."

"Ah, o sege. Thank you ate," anas ni Colton.

"You're welcome!"

"Thank you, Avianna." Ngumiti si Nyx sa akin noong makalabas na si Colton so of course, I smiled back.

"You're welcome," I said and he finally went out.

The moment that he did, I had to calm myself down or else Aisha would probably celebrate because what she said would come true.

Hindi dapat gano'n, di'ba? 2021 na. I should stop being a marupok.

Kaso, what reached me that night just blew my mind all over again. Bakit naman gano'n, Nyx?

Gusto Kita, LegitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon