Legit, Eighty Seven

33 0 0
                                        

M E S S E N G E R

Alaric Villarama
09-01-2021 | 06:15 AM

Alaric Villarama
Good morning, Avianna! Hindi kita nabati kanina, pasensiya na.

Avianna Muñoz
May kailangan ka?

Alaric Villarama
Grabe naman 'yong tanungan, madame. Ganiyan ba tingin mo sa akin? Ichachat ka kapag may kailangan ako?

Avianna Muñoz
Ang arte, Alaric.

Sabihin mo na lang kung anong gusto mong sabihin, please. Kasi kung mangungulit ka lang, 'wag na lang. Wala ako sa mood.

Kulang pa ako sa tulog.

Alaric Villarama
Ah. Gusto lang sana kitang ayaing lumabas mamaya kung free ka. Pwede tayong mamili ng essentials for online class. Malapit na di'ba?

It's actually in twelve days.

Avianna Muñoz
Ang bilis ng panahon, class na pala ulit.

Pero ayokong lumabas, Alaric. Tinatamad ako. Sa ibang araw na lang.

Alaric Villarama
Okay. Sabihan mo na lang ako. Basta before thirteen ah. Class na 'yon.

Avianna Muñoz
Sege.

Saka nga pala. Kung may balak kang gumawa na naman ng kung ano-ano rito sa bahay ngayong araw, pakiusap 'wag na muna.

Pahinga ka na lang muna. Sa inyo mo na muna gawin lahat ng mga ginagawa mo rito sa bahay.

Alaric Villarama
Okay. Have a nice day ahead, Avianna! Ingat ka at kain nang mabuti.
Seen

Gusto Kita, LegitMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon