Legit, Eighty One

34 0 0
                                        

M E S S E N G E R

Carla Ruiz
08-01-2021 | 9:15 AM

Carla Ruiz
Ano 'tong nababalitaan kong ilang araw mo nang hindi dinadalaw si Amanda?

Nyx Ruiz
Mom, ang aga-aga naman po.

Carla Ruiz
Give me valid reasons why you can't visit her, Nyx. Huwag na huwag mong sasabihin na dahil lang 'to sa babae mo kun'di may kalalagyan ka sa'kin.

Nyx Ruiz
Mom, it's a Sunday morning. Hindi ba pwedeng ipahinga muna natin ang mga away natin?

Carla Ruiz
Answer the question, you fool.

Bakit hindi mo na dinadalaw si Amanda? Kawawa naman 'yong tao, palaging mag-isa sa ospital. Anong akala mo sa sakit niya, madali lang gamutin? Wala ka na ba talagang konsensiya bata ka, ha?

Nyx Ruiz
Eh ikaw Mom? Wala ka na ba talagang kahit katiting naman lang na pagmamahal para sa akin na anak mo? Alam mo kung anong ginawa sa akin ni Amanda no'n. Her illness isn't even cancer. It's treatable, Mom. 'Wag ka naman masiyadong magpapauto riyan just because may utang na loob ka kay tito Albert.

Carla Ruiz
Stop right there. 'Wag mo akong daanin sa mga drama mo. Visit her now or else, alam mo na ang mangyayari sa'yo.

Kung hindi ka takot sa pwede kong gawin sa'yo, pwes matakot ka sa pwede kong gawin sa babaeng 'yon. You know what I am capable of doing, son.

Nyx Ruiz
Ano pa bang silbi ng pagtawag mo sa akin ng anak kung hindi mo naman mapanindigan ang pagiging Nanay mo sa akin, 'Ma?

Carla Ruiz
I told you to stop.

Aalis ka na rin naman, bakit hindi mo pa deretsuhin 'yang babae mo? Sasaktan mo rin siya sa dulo kaya kung ako sa'yo, sabihin mo na agad ngayon pa lang.

Nyx Ruiz
I hate you.

Carla Ruiz
I do too, son. The feelings are mutual. Now just do what you have to do and then we're good. Be a good boy, okay?

I'll talk to you again soon. Visit Amanda today.
Seen

Gusto Kita, LegitMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon