narration. March 13, 2021 | 11:45 PM
Avianna
"I just feel really uncomfortable back there, ate. Parang alam naman ni kuya Clarence kung anong nararamdaman ko di'ba? But still he's one of the people who pushes kuya Alaric into ate Avianna. Nakakainis lang."
Natigilan ako sa narinig ko. That's Aisha. I came looking for them when I noticed that it was already taking a long time before they come back. Nasa villa na nila ang ibang boys while Nyx went somewhere. Ayoko namang bumalik sa villa nang mag-isa kaya hinanap ko na sina Aisha at Olivia.
And now this is what I am hearing?
"Colton does the pushing too much, Aisha. Ni tahimik nga lang si Clarence kahit alam niyang magulo na ang lahat eh," tugon ni Olivia.
Pinili kong manatili na lang muna sa kung nasaan ako. Hindi ko alam pero parang gusto ko lang marinig ang lahat ng pag-uusapan nila.
Something is pushing me to do so.
"You know the reason why?" Olivia asked again.
"Ano? Ang insensitive lang kasi talaga."
"Para hindi malaman ni kuya Alaric that you like him."
Sabi ko na nga ba. Aisha likes Alaric already. Tsk, this girl.
"You know that kuya Alaric likes someone else, di'ba? Baka iwasan ka lang niya kapag nalaman o nahalata niya ang nararamdaman mo para sa kaniya. Everyone is actually protecting you from a future heartache."
"Masakit din naman na itago ang nararamdaman ko ah? Masakit kasi hindi ako ang gusto niya. Masakit na inaasar nila iyong dalawa tas nasasaktan siya nang palihim. He can't even show his emotions genuinely."
"But you have to understand the situation. You know that, right?"
"Tss. Bakit ba kasi si ate Avianna pa ang nagustuhan niya eh."
That earned a surprised expression from me. Ako? Is this actually serious?
"Wala tayong magagawa ro'n. He likes ate eh."
"Ako naman ang palaging kausap niya ah. Ako 'yong palaging nandiyan para sa kaniya. Why did he like her instead?"
"You being always there for the person is not a benefit, Aisha. Kahit sampung taon ka pang andiyan para sa kaniya if he doesn't like you, he won't. Now please behave with your actions. He might notice you and discover your hidden feelings at delikado 'yon para sa'yo."
"Tss. Ewan ko na."
Iyon na lang ang huli kong narinig kaya pinili ko na ring umalis. The revelation still baffles me until now. Paano nangyari na gusto ako ni Alaric?
"Avianna."
I looked up to the owner of the voice as I hear it. Saktong-sakto pa. Alaric. Tsk. Kung minamalas ka nga naman. Bakit ngayon pa ako nakita nito? Akala ko ba nasa villa na nila silang lahat except Nyx?
Iiwasan ko na dapat siya pero hinarang niya lang ang daan ko. Huminga ako nang malalim.
"Anong kailangan mo, Alaric?" mahinahong tanong ko sa kaniya. I can't even look at him straight in the eye.
"I just want to talk to you. Is that a taboo?" he asked back with his low voice while both of his hands were on his pocket.
"H-Hindi naman. Kaso..."
Paano ko ba sasabihin na hindi ako komportableng kausap siya? Hindi lang dahil sa isipin na nalaman kong may gusto "raw" siya sa akin kun'di pati na rin sa takot na baka makita kami ni Aisha rito.
He scoffed. "I see you're not comfortable with me. Talaga ngang mas malakas magsabi ang actions 'no?"
Hindi ako kumibo.
"I can see it in your eyes. You're not comfortable around me. Kaya sege, you can go now. Have a good night," he said.
Tumango ako at dali-dali na ring umalis sa lugar na 'yon. Lumingon pa ako ulit noong makalayo na ako at nakitang nakalapit na sina Olivia at Aisha sa kanila.
I heaved a deep breath. I didn't knew Aisha felt something bad towards me. I feel guilty and now, I just want to do everything in my power to get away from Alaric as much as possible.
Nasaktan na ako noon sa parehong sitwasyon. Ayoko nang maulit ang parehong bagay na sa pagkakataong ito ako ang makakasakit.
Babae rin ako kaya malaki ang malasakit ko sa kaniya lalo pa at kaibigan ko rin naman siya.
Hay, this crazy little thing called love.
![](https://img.wattpad.com/cover/267104648-288-k80327.jpg)
BINABASA MO ANG
Gusto Kita, Legit
Ficción GeneralWho could have thought that a simple debut party can change someone's life forever? Avianna Muñoz, a 20 year old college student who was always unlucky in love finally heard someone tell her "Gusto Kita, Legit." Will she fall for the trap or will...