Legit, Sixty

29 1 0
                                    

M E S S E N G E R

team lugaw + avianna
05-20-2021 | 5:15 AM

Colton
Wohoooo! Today is the day of your post celebration, Avianna!

Avianna
Wuw Avianna.

Kaedad yarn, Colton?
6 people reacted with "😆"

Colton
replied to you
Char lang. Hindi ka naman mabiro. HAHAHA

So, ano? Anong plano natin ngayong araw? Saan na naman mapupunta ang Avianna and friends?

Ravi
Ikaw na mag-isip.

Colton
Aba at ang saya naman talaga pre. On the spot planning pala 'to? Tigilan na lang natin. Malakwatsa ako pero nakakasawa na rin mag-isip kung saan pupunta tuwing may lakad ang barkada.

Lagi na lang bang ako?

Avianna
Dramatista yarn?

Chour. Dapat kasi plinano niyo na agad kahit noong hindi pa kayo bumabalik dito tutal sabi niyo naman magpost celeb tayo.

Colton
Sorry kaagad ha? Sorry talaga.
You reacted with "😆"

Avianna
Ewan sa'yo, Colton.

Alaric
Hiking tayo.

Nyx
Ginawa na namin ni Avia 'yan noong mismong birthday niya. Wala na bang iba?

Avianna
Hindi naman masamang umulit, Nyx. At least ngayon kasama na natin sila.

Chaca hindi na natin kailangang makijoin sa ibang hindi naman natin kakilala.

Nyx
Hmm

Alaric
Agree ba kayo sa hiking?

Aisha
Tara, tara, tara! Masaya 'yon!

Olivia
Bet. Doon din tayo sa pinuntahan nina ate. Kita ko sa post eh. Ang ganda ro'n.

Avianna
Supeeeer. 😩

Sabi ko nga kung mabibigyan ng chance babalik talaga ako ro'n eh. Kaya ngayon kung iyon nga ang gagawin natin, it would be a big thing for me.

Doon na lang? Hehe.

Clarence
I think agree naman lahat. Wala na rin naman akong problema kung hiking ang gagawin natin ngayon.

Pero pwede bang mag-overnight do'n?

Nyx
Yup. Pwede naman. Hindi lang kami nag-overnight ni Avia kasi wala nga kaming ibang kasama.

Clarence
Ayos!

Avianna
So hiking na ngaaa?

Ravi
Hiking it is. Game! Maghahanda na ako ha. Kaninong sasakyan pala gagamitin papunta ro'n sa area?

Nyx
I don't know about you guys but Avianna will be with me, for sure.

Avianna
Pwede namang may ibang sumabay sa atin, Nyx. Si Aisha at Olivia pwede 'yon.

Clarence
Kasama ko po si Olivia, ate Avianna.

Avianna
Ah gano'n ba? Sege. Sino na lang sasabay sa amin?

Aisha
Kuya Al, sa'yo ako sasabay okay lang?

Alaric
Okay lang naman.

Colton
O sege. Kami na ni Ravi magkasama.

Avianna
Okieee. See you there guys!

Ingat.

Nyx
See you, Avia.

Alaric
See you.

Colton
👀
Seen by 7 people

Gusto Kita, LegitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon