Legit, Ninety Two

36 0 0
                                        

narration. September 01, 2021 | 3:32 PM

Avianna

"Avianna!"

Napalingon ako kaagad noong marinig ang boses na 'yon. It was Alaric. Humahangos pa siya habang nakatingin sa akin.

I smiled at him pero hindi iyon umabot sa mga mata ko. Mabigat ang nararamdaman ko. Paano ako ngingiti nang maayos?

"What happened?" he asked as he had one more deep breath. Lumapit siya sa akin.

"Hindi ko alam kung anong nangyari, Alaric. Hindi ko alam kung bakit nagawa niya sa akin 'to."

Umupo siya sa harap ko para mapantayan ako. He dearly looked at me while confusion was still on his eyes.

"Tell me everything," he whispered.

I looked at him. Hindi na siya nagsalita but his eyes were telling me to tell him everything. And so I did. Sinabi ko sa kaniya ang lahat. Kung anong nadiskubre ko matapos magpunta rito kanina.

That Amanda was indeed pregnant with Nyx's child. Kung paano nangyari? Hindi ko na rin alam.

Alaric was fuming with rage after he heard everything. I needed to calm him down because if I didn't, he would have probably knock on Amanda's door where Nyx is right now. Baka kanina niya pa ito nasugod.

"Sinabi ko sa kaniya na 'wag ka niyang sasaktan. Paano niya nagawa sa'yo 'to?" tanong niya.

"Hindi pa naman kami. He has all the right, Alaric. Ni hindi nga nanliligaw sa akin 'yon eh." Ngumiti ako nang mapait.

"Baka ito rin ang rason kung bakit hindi ko siya mabigyan-bigyan ng pagkakataon na manligaw sa akin. Baka dahil dito. Baka alam ko na noon pa na sasaktan niya ako," pagpapatuloy ko pa.

Tears were continually falling. Kanina pa 'to. Parang gripo na ang mga mata ko at hindi na matigil kakaiyak.

"I'm sorry you have to experience this, Avianna. My friend is such a fool for doing this to you," sagot lamang nito sa akin.

I looked at him and again, tears become aggressive at falling. "But I love that fool, Alaric."

Natahimik siya. Isang mapait naman na tawa ang pinakawalan ko.

"Huli na noong marealize ko pero oo eh. Mahal ko siya, sobra. Hindi ko man lang nasabi sa kaniya. Ngayon parang wala na akong karapatan."

Huminga nang malalim si Alaric. Hinawakan nito ang kamay ko at saka pinisil. Hindi lang ako kumibo.

We stayed like that until we heard someone blurted out our names. Inulit pa nito ang pangalan ko and yes, it was him. It was Nyx Ruiz.

"Gago ka."

Tatayo na dapat si Alaric para sugurin si Nyx pero hinila ko siya dahil hawak pa rin naman nito ang kamay ko. Napatingin siya sa akin.

"Avianna bitawan mo ako," anito.

Umiling ako. "I'll talk to him."

"Are you serious right now?" he asked in gritted teeth and in furrowed brows.

Tumango ako. "Please. Just let me."

"Let her, Alaric. Marami kaming dapat pag-usapan," dinig kong sabi naman ni Nyx. I took a glance at him. His face was stoic.

Liningon siya ni Alaric. "Kung ako lang, hindi sana kita papayagan na kausapin siya. Pero dahil gusto ka rin naman niyang makausap, sege. Pagbibigyan ko. Just make sure that you won't show me your face again or else you'll have to make an appointment with your  plastic surgeon."

Hindi kumibo si Nyx. Tumayo naman ako at bumitaw kay Alaric. He looked at me with a gentle gaze.

"Are you gonna be okay?" he asked in a low voice.

"I love that man, he'll never hurt me," tugon ko at tinignan si Nyx. Tahimik pa rin ito.

"I'll just wait for you outside, okay?" said Alaric and I just nodded without looking at him. Pagkatapos no'n ay isang huling masamang tingin pa ang iginawad nito sa kaibigan bago tuluyang lumabas ng hospital.

"Follow me," Nyx said and went on ahead of me.

Pinigilan ko naman muna ang sariling muling maluha bago siya sundan. Kung ano man ang mangyayari sa amin pagkatapos nito, bahala na.

Hindi ako handa pero wala akong magagawa kaya tatanggapin ko na lang. Kung talagang kailangan ko siyang pakawalan, sege. Baka naman kasi sa una pa lang hindi na talaga siya sa akin.

Gusto Kita, LegitMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon