Legit, Fifty Two

37 2 0
                                        

narration. May 17, 2021 | 10:21 AM

Avianna

Hagalpak na tawa. Iyon ang unang naging bungad ni Nyx sa akin noong dumating siya sa bahay habang hindi naman maipinta ang mukha ko sa inis na nararamdaman sa kaniya.

"Bakit ba tawa ka nang tawa riyan, ha? Mukha ba akong katatawanan sa'yo?" Iritable kong tanong sa kaniya habang nakakrus ang mga braso sa dibdib ko.

"Hindi naman." Huminga siya nang malalim, pinipigil ang sarili na matawa ulit. "Ang cute mo lang kasing mainis."

"Ewan ko sa'yo." Tinalikuran ko siya at umupo na lang sa couch.

"Saan ba kasi tayo pupunta? Bilisan mo na at naiinip na ako," turan kong hindi inaalis ang pagkakunot ng noo ko.

Pinakalma niya muna ang sarili bago sagutin ang tanong ko. "Well, naisip ko lang na iparanas sa'yo ang mga ginagawa ko before. Isa na ro'n ang gagawin natin ngayong birthday mo. It's one of my favorite outdoor activity."

"Ano nga? Damang hanash, Nyx ha." Kinamot ko ang ulo kahit hindi naman makati dahil lang sa sobrang inis na nararamdaman.

Tumawa lang ulit ang lalaking 'to. Parang ewan, tsk.

"Stop frowning, Avia. Nakakapangit 'yan, ano ka ba."

"Whatever. Bilis na kasi! Nayayamot na ako sa'yo."

"Okay, okay. Baka hindi pa tayo matuloy kung hindi ko sasabihin sa'yo. Tutal nagpaalam na ako kina tita, let's go now. I'll just show where we're going later. Just trust me."

"Seryoso ka? Gusto mong basta na lang ako sumama sa'yo na hindi ko alam kung saan tayo pupunta?"

"Did I ever harm you before?"

"Hindi..." mahinang tugon ko.

"See? This day is no different from those times where you went with me. Hindi kita ipapahamak. Just trust me. This will be fun."

Huminga ako nang malalim saka tumayo at hinawakan ang kamay niyang kanina niya pa iniaabot sa akin. He then smiled, said one last goodbye to my family, and dragged me somewhere I don't really know.

Hays, bahala na nga. Birthday ko naman. I'll just enjoy this.

Gusto Kita, LegitMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon