Legit, Ten

58 1 0
                                        

narration. April 21, 2021 | 1:30 PM

Avianna

NAPAG-USAPAN sa group chat na ngayong araw ang third rehearsals namin para ro'n sa cotillion. Medyo may binago pa si Nile kasi may ilan pang dumagdag sa bilang ng sasali. Okay lang, at least mas marami na kesa dati.

Kaya lang, heto at anong oras na pero wala pa rin dito ang partner ko. Hindi ko naman matanong ang mga kaibigan niya kung nasaan siya kasi nga hindi ko naman sila close.

Olivia and Aisha are, but not me.

"Ano na, start na tayo?" Nile asked using the microphone.

Tumango lang ang lahat.

"Okay then, position. Now!"

Sa sinabi ni Nile, agad na ring kumilos ang lahat para pumunta sa mga pwesto nila. Nanatili lang naman akong nakatayo sa isang gilid.

"Beks, ano na? Diyan ka lang?" Nile noticed me.

"Wala akong partner. Anong gagawin ko riyan, tutunganga?" tugon ko rito.

Umirap naman siya. Ang maldita talaga ng baklang 'to kahit kailan eh.

"Edi para naman makabisado mo kahit wala rito ang partner mo. Just join everyone here. Para may idea ka at hindi kayo parehas tutunganga no'ng partner mo kapag nandito na siya next time."

"Fine, eto na. Sungit nito."

Hindi siya kumibo at inasikaso na ang lahat. Sumunod naman ako sa sinabi niya at parang ewan na sumayaw mag-isa habang nakasimangot pa rin at iniisip kung bakit hindi ako sinipot ng partner ko ngayong araw.

Gusto Kita, LegitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon