Legit, Forty Five

41 1 0
                                        

narration. May 14, 2021 | 5:55 AM

Avianna

"Aren't we suppose to stay here until your birthday, Avia? 14 naman na ngayon. Malapit na ang birthday mo," turan ni Nyx noong pareho na kaming nasa sasakyan.

Huminga ako nang malalim. That was the initial plan of the whole team. This getaway was supposed to be the celebration for my 20th birthday. Pero sa lahat ng nangyayari ngayon? Parang hindi ko na kayang makita o makasama sila sa isang lugar ng ilan pang araw. Lalo na para sa birthday ko.

"Ayokong pag-usapan, Nyx," mahinang tugon ko.

Mabuti na lang at inintindi naman niya ako. He just nodded and started driving already. Sumandal naman ako sa bintana ng sasakyan niya at patuloy na inisip ang lahat.

Why did this have to happen? Bakit sa akin pa?

"Do you want us to stop nearby to grab a bite? Wala ka pang kinakain ngayon," dinig kong ani Nyx ilang minuto matapos kaming bumiyahe.

"Hindi ako gutom," tugon ko lang at ipinikit ang mga mata ko. Hindi siya kumibo kaya hinayaan ko na lang din naman. I just really need some peace of mind right now kaya bahala na muna siya riyan.

"ANONG ginagawa natin dito?" Kunot-noong tanong ko noong huminto kami sa isang restaurant.

"We're going to eat. Alam kong sinabi mong hindi ka gutom pero may dalawang oras pa tayo bago makarating sa Manila and we don't have any food with us. Kakain tayo," tugon niya.

"Ikaw na lang ang kumain. Wala akong gana eh."

"Nope. Kakain ka sa ayaw at sa gusto mo. I promised to take care of you at kasali 'to ro'n."

Hindi na lang ako kumibo. Bahala siya. Isinandal kong muli ang ulo ko sa bintana but Nyx went out and opened the door causing me to almost fall. Mabuti na lang at nasalo niya ako kaagad.

"Nyx!" I hissed and spat him on the arm. It was a violent one yet he only laughed at me and put both of his arms on my back.

"Stop laughing! Hindi ako natutuwa. Tss." Sinimangutan ko siya.

"Ano ka ba? Anong kinakatakot mo? Sasaluhin naman kita kung mahulog ka," he said and that earned him a glare from me na hindi niya lang naman ulit pinansin.

"Basta. Kakain tayo ngayon sa ayaw at sa gusto mo and that's final," huling sinabi niya bago ako buhatin palabas ng sasakyan.

Susme. Gano'n ba ako kagaan at nabuhat niya ako nang gano'n-gano'n lang? Inirapan ko siya but again, he just smiled and gave me a wink before closing the door behind me.

"Let's go." Hinawakan nito ang kamay ko at hinila ako papasok ng restaurant. Well I guess, wala na akong choice ngayon kun'di ang kumain kasama siya. Tss.

Gusto Kita, LegitMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon