Legit, Sixty Six

34 0 0
                                        

narration. May 21, 2021 | 10:40 AM

Avianna

"Thank you sa inyong lahat! I enjoyed this trip with you," sabi ko noong matapos kami sa hiking namin. We had so much fun since yesterday until this morning but unfortunately, everything has its end. For us, ito na muna ang katapusan ng masayang pagkakasama-sama naming lahat.

"Thank you rin, ate Avianna! I really enjoyed our hike. Sana marami pang maulit 'no?" ani Colton na tinanguan ko lang. Nginitian ko rin siya.

Marami pang nagsabi ng mga pasasalamat at kung ano-ano pa hanggang sa dumating na nga ang oras na kinailangan na talaga naming umalis lahat.

"Let's go, Aisha. Sa akin ka sasabay di'ba?" tanong ni Alaric.

"Hindi. Kina ate Via na ako sasabay." Iyon lang at agad na rin siyang sumakay sa sasakyan ni Clarence.

Nagkatinginan na naman ang lahat. It has been like that since yesterday. Hindi ko alam kung narinig niya ba ang mga sinabi ni Alaric sa akin pero kung hindi man at sadyang ganiyan lang ang mood niya ngayon, ewan ko na lang. Masiyadong mahirap din pakisamahan ang batang 'yan dahil sa paiba-iba niyang mood at trip sa buhay.

"Sege. See you around, everyone." Kumaway si Nyx at inalalayan akong sumakay sa kotse. Siya na rin ang nag-ayos ng mga gamit ko. Nauna nang umalis ang iba kaya matapos ayusin ni Nyx ang mga gamit ay tumuloy na rin kami.

narration. May 21, 2021 | 11:21 AM

"We're here!" Anunsiyo ni Nyx noong dumating na kami sa bahay. Ngumiti ako at nagpasalamat sa kaniya. Bumaba na rin kaming dalawa dahil tinulungan niya rin ako ulit na ibaba ang mga gamit ko.

"Thank you sa paghatid, Nyx."

Ngumiti siya sa akin at ginulo ang buhok ko.

"Always welcome," tugon nito sa akin.

Iyon lang at papasok na dapat ako sa loob ng bahay pero hinila pa ako nito at yinakap. Nagulat man, hinayaan ko na lang siya.

Pero mas ikinagulat ko ang sunod niyang sinabi sa akin. Seryoso ba siya?

"Narinig ko ang mga sinabi ni Alaric sa'yo kahapon, Avianna. Ako pa rin naman ang pipiliin mo, di'ba?" tanong nito.

"H-Ha?"

"Ako, di'ba? Kahit umamin siya sa'yo o kahit ipakita at iparamdam niya sa'yo kung gaano ka kahalaga sa kaniya, ako pa rin di'ba? Sa akin mo pa rin pipiliing sumama sa panonood ng maraming sunset at sunrise. Di'ba, Avia?"

Huminga ako nang malalim. Hindi ko pa nasabi sa kaniya ang nararamdaman ko kahit noong umamin siya sa akin noon. At ngayong nakakaramdam siya ng takot, pakiramdam ko ito na ang tamang panahon para marinig niya 'yon. He needs an assurance from me as well because he never fails to make me feel assured of him and of his feelings.

He has always been very vocal about it.

"I like you, Nyx. Ikaw 'yong gusto ko. Kahit anong gawin ni Alaric, ikaw pa rin ang pipiliin ko."

Isang mahina ngunit tila relieved na tawa ang pinakawalan niya bago kumalas sa yakap at haplusin ang mukha ko.

"You and the things you make me feel. I just really like you," anito.

"I know."

Tumawa lang siya ulit. Isa pang yakap at tuluyan na rin akong pumasok sa loob bago siya tuluyang umalis na rin.

Sa kabila ng lahat ng nangyari kahapon, masasabi kong naging maayos pa rin naman ang takbo ng araw ko.

Sana gano'n pa rin sa susunod na mga araw.

Gusto Kita, LegitMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon