Legit, Sixty Four

37 0 0
                                        

narration. May 20, 2021 | 5:24 PM

Avianna

"Oliviaaaa!" Yinakap ko ang kapatid ko noong makapasok na ako sa tent namin. Mabuti dahil wala si Aisha rito ngayon. Makakausap ko siya tungkol sa mga sinabi ni Alaric sa akin sa labas.

I need to tell this to someone. Kung hindi, baka mabaliw lang ako sa kaiisip.

"Anong nangyari sa'yo?" tanong nito na salubong ang kilay noong kumalas na ako.

Huminga naman nang malalim at pinagkrus ang mga braso ko.

"Alaric just confessed to me."

"Hala?!"

Tumango ako sa gulat niyang reaksiyon. Kasi sino nga ba naman ang hindi magugulat, di'ba? Wala namang nakakasiguro no'n kung gusto nga ba ako ni Alaric kasi itinanggi niya nga noong una. All were plain hunches by curious people. At ngayon, finally he dropped it. He confessed to me.

"Ate seryoso ba 'yan?" mahinang bulong nito sa akin sa takot na baka marinig din kami ni Aisha mula sa labas. Malay ba namin kung andiyan lang pala siya.

Tumango ulit ako sa kaniya saka ihinilamos ang kamay ko sa mukha ko. Litong-lito na ako ngayon. Hindi ko na nga alam ang gagawin noong hindi pa siya umaamin eh. Ngayon pa?

"Paano niya sinabi?"

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at kinwento ko sa kaniya ang lahat ng sinabi ni Alaric kanina. Tulala lang siya noong matapos akong magkwento.

"I just hope Aisha didn't hear any of this, ate. Magkakagulo tayo kung nagkataon," sabi niya na lang.

"Alam ko. Ni hindi ko nga alam kung ano na ang gagawin ko ngayon eh. Hangga't hindi natatapos ang hike na 'to, makakasama ko pa rin siya. I feel so awkward around him."

Tinapik ni Olivia ang balikat ko. "Just don't take it to mind. Isipin mo si kuya Nyx. Si Aisha. I am sure titigil na lang 'yan si kuya Alaric sa mga ginagawa niya."

"Thank you." Bahagya pa akong ngumiti sa kaniya.

"Basta ate ha? Andito lang ako."

Tumango ako at humiga na muna. Ayoko na atang lumabas kahit hanggang mamaya. Ayokong makita si Alaric.

narration. May 20, 2021 | 7:15 PM

"Girls? Kakain na."

Naramdaman kong bumangon si Olivia sa tabi ko at binuksan iyong tent namin. Hindi pa rin ako kumilos. Plano kong manatili na lang dito hanggang bukas ng umaga.

"Bubba, ikaw pala. Handa na ba?" tanong ni Olivia.

"Yes po. Tara na. Ate Avianna, kakain na po."

"Ah. Masama ang pakiramdam ni ate, bubba. Ako na ang magdadala ng pagkain niya rito mamaya."

"Gano'n ba? Sege. Tara. Pagaling ka ate."

"Hmm..." tugon ko na lang at hindi pa rin sila liningon. Umalis na rin naman sila agad at isinara iyong tent.

Hay, sana lang talaga hindi na malaman ni Alaric 'to. Pakiramdam ko pipilitin pa ako na kumain no'n. Napakamanhid sa nararamdaman ni Aisha ay. Tss.

narration. May 20, 2021 | 7:22 PM

"Avianna, alam kong hindi masama ang pakiramdam mo. Buksan mo 'to. You need to eat."

Mariin akong napapikit noong marinig ang boses ng taong iniiwasan ko mula pa kanina. Hindi rin ako kumilos. Bahala siya. Aalis na lang din siguro 'yan.

"Avianna. Please. Open your tent."

May pagsusumamo sa boses niya pero hindi iyon sapat upang bumangon ako at pansinin siya. Hindi pwede.

"Hindi pa ako kumakain. Hindi na lang din ako aalis dito hangga't hindi ka lumalabas diyan. Gutom na pa naman ako."

Kaagad akong napadilat noong marinig ang sinabi niya. Seriously. Ano bang trip sa buhay ng lalaking 'to? Hindi ko siya maintindihan.

"Ako na lang ba ang magbubukas?" tanong na naman nito sa akin.

Nagpanic ako kaya agad din akong bumangon paupo. I was still contemplating on whether I should open the tent or not when suddenly another shadow appeared outside.

"Ako na ang magbibigay ng pagkain niya. Bumalik ka na lang do'n at kumain na rin."

Kilala ko ang boses na 'yon ah. Hindi ako pwedeng magkamali. Nyx? Is he here already?

"Andito ka? Humabol ka sa oras na 'to?" tanong ni Alaric. Kinabahan ako bigla kaya kaagad kong binuksan ang tent. Hindi nga ako nagkamali dahil nando'n si Nyx sa labas at magkaharap sila habang ramdam ko ang tensiyon sa paligid.

"N-Nyx..." untag ko rito at bahagyang hinila ang dulo ng damit nito.

Kaagad naman itong lumingon sa akin. Kaiba sa kung paano niya tignan si Alaric kanina, ngumiti ito sa akin. A gentle smile that he always gives me. Huminga ako nang malalim. I feel so relieved that he's here now. Pakiramdam ko mas mababawasan ang problema ko kay Alaric.

"Avia..." ani Nyx na linapitan ako at kaagad na inakbayan na parang yakap na rin. Nagulat man, ngumiti na lang din ako.

"You're here," I said and he just nodded. With that, I saw Alaric left with a frown on his face.

Kumalas naman si Nyx sa yakap at hinarap ako.

"Buti nakahabol ka?" tanong ko.

"Hindi naman dapat ako papayagan eh. Delikado na rin kasi. Kaso ipinilit ko. Mabuti at may available pa na tour guide kanina," sagot nito.

"Ang bilis niyo ha."

Tumawa siya at iniangat ang paper bag na hawak upang ipakita sa akin. "Let's eat?" he asked.

I nodded and he smiled. Pinili naming dito na lang maupo sa labas ng tent namin nina Olivia para na rin makaiwas sa kung anumang gulo kasama ang grupo.

I know that this is a group hang out and a post celebration of my 20th birthday but with all that's happening right now? I don't think I can still be comfortable around Alaric.

Mabuti na lang at dumating si Nyx. What a great relief.

Gusto Kita, LegitMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon