narration. September 01, 2021 | 9:15 AM
Avianna
Kagigising ko lang at ang sakit ng ulo ko. Pakiramdam ko sisipunin ako. Ayoko pa naman sa pakiramdam na 'to, nakakapanghina.
Bumangon ako at naghilamos na muna bago tuluyang bumaba. Naabutan ko ang pamilya kong nasa hapag-kainan at parang kakasimula pa lang ata sa breakfast.
Unusual ah. Madalas 7 or 8 nagbebreakfast na kami rito sa bahay.
"Good morning anak," si Mama.
Ngumiti ako at lumapit sa kaniya. Hinalikan naman ako nito sa ulo. Lumapit din ako kay Papa at yinakap siya bago tuluyang maupo sa pwesto ko. Naramdaman ko naman na lumapit sa akin si Hugo, 'yong aso ko.
"Good morning, Hugo." Hinaplos ko ang ulo nito. Kumahol lang ito at pagkatapos ay nahiga na rin sa may paanan ko. Hinayaan ko na lang.
"Kumusta ang tulog mo 'te?" tanong ni Oliver sa akin.
"Hindi gaanong maayos. Inumaga na rin ako kakahintay kay Nyx eh. Ang sakit ng ulo ko," sagot ko.
"Hindi ka pa rin ba tinatawagan no'n, anak?" Papa asked beside me.
Umiling ako at bahagyang ngumiti.
"Aba isang buwan na ah. Hanggang kailan niya gagawin 'to sa'yo?" tanong ulit ni Papa.
"Babalik 'yon, 'Pa. Baka may inaayos lang po talaga," I said trying to defend Nyx in front of my family again.
Pang-ilang beses na ba 'to? Hindi ko na rin mabilang.
"Kung sa loob ng dalawang buwan wala pa rin siyang paramdam sa'yo, tigilan mo na ha. Kami lang din ang nahihirapan para sa'yo. You don't deserve that kind of love, anak."
Ngumiti lang ulit ako nang bahagya sa sinabi ni Mama. Ano pa bang sasabihin ko para hindi sila magalit kay Nyx? Ano pang sasabihin ko para maintindihan din nila siya kagaya ng ginagawa kong pag-intindi sa kaniya nitong mga nakaraang linggo?
Simula noong mawala siya at malaman 'yon nina Mama parang nawalan na rin sila ng tiwala sa kaniya eh. Ayokong mangyari 'yon kasi malaking parte na siya ng buhay ko. Paano ako magiging ayos kung hindi sila ayos? Paano ko siya mapapayagan na ligawan na ako kung masama ang imaheng nabuo niya sa mga magulang ko?
Ano na bang gagawin ko? Nahihirapan na rin ako.
"Anong dalawang buwan? Isang buwan na lang ang ibinibigay kong palugit do'n. Sobra na 'tong ginagawa niya sa anak natin," said Papa.
"Dalawang buwan, 'Pa. Subukan muna nating intindihin 'yong bata."
Huminga na lang nang malalim si Papa saka hindi na rin umimik. Napatingin ako kay Olivia na tahimik lang din mula pa kanina.
Alam kong maiintindihan niya ako kung magiging martyr muna ako para kay Nyx. Di'ba? Sana maintindihan niya ako.
Pero para akong nawalan na naman ng gana noong makitang umiling siya sa akin. May awa sa mga mata niya. Gano'n na ba ako kamiserable sa paningin niya? Sa paningin nilang lahat?
Ano bang ginawa mo sa akin, Nyx? Hindi naman ako 'to eh. Hindi ako ganito kalungkot noon.
Eto ba ang kapalit ng sobra-sobrang saya na ibinigay mo sa akin bago ka mawala no'n? Kasi kung oo, grabe ka naman. Ang sama-sama mo.
Bumaling ako kay Oliver. Mataman lang siyang nakatitig sa akin. Parang may gustong sabihin pero hindi niya magawa-gawa.
"Anong gusto mong sabihin? Sabihin mo na," turan ko.
Huminga siya nang malalim. "Masasaktan ka lang."
Kumunot ang noo ko. Pati sina Mama, Papa, at Olivia ay napatingin na rin sa kaniya. Anong ibig niyang sabihin ngayon?
"Ano nga? Sabihin mo na." Ulit ko pa sa sinabi kanina.
Tumayo ito dahil tapos na ring kumain. Pero hindi ko inaasahan ang sunod niyang sinabi sa akin. Kahit yata sina Mama ay hindi inasahan 'yon.
"Nakita ko na siya nitong nakaraang buwan. Dalawang beses na. Unang beses no'ng 17. Diyan sa labas ng bahay natin. Akala ko nga makikipag-usap na siya sa'yo eh. Pero nagkamali ako dahil umalis lang din naman pala siya ulit."
Tinignan ako nito. Tila iniisip kung dapat pang ituloy ang susunod na gustong sabihin.
"Sabihin mo na. Handa ako," I told him.
"Pangalawang beses nitong nakaraang linggo lang. May kasama siyang babae sa ospital," sagot nito kaagad.
Ospital? Babae? Sino naman kaya 'yon?
Nag-angat muna ng tingin si Oliver bago kunin ang cellphone niya at may kalikutin doon.
Para akong tinusok ng napakaraming karayom sa puso noong makita ang litratong nasa cellphone niya.
Si Nyx, nakaakbay kay Amanda habang naglalakad sila. Pero ang mas napansin ko ay ang umbok sa tiyan ni Amanda.
Ano 'yon? Siya ba ang dahilan ng lahat ng 'to? Iniwan ako ni Nyx para balikan siya? Is she pregnant with her ex?
At bakit gano'n? Bakit kahit picture lang masakit?
"Stop waiting for her ate. Sasaktan ka lang ng lalaking 'yon," turan ni Oliver.
I looked at him with tears threatening to fall from my eyes. May awa sa kaniyang mga mata.
"Paano kung ayoko?" tanong ko.
"Anak, stop right there. This picture is very clear. Stop waiting for him already. He's not good for you," ani Mama.
I looked at her. "I need to talk to him first, 'Ma. Just let me. Ayokong paniwalaan ang kahit ano. Sa kaniya lang ako maniniwala."
"Tumigil ka na Avianna ha. Hindi ka namin pinalaki para lang maghabol o magpakamartyr sa pag-ibig. Hindi mo na siya kakausapin and that's final," it was Papa.
"'Pa. Please let's give him a chance. Pakinggan muna natin siya. Kakausapin ko siya," I said-- my voice was laced with begging.
Pero kitang-kita ko na sa mukha ni Papa ang matinding galit. Mas lalo akong naiyak.
"Papa naman." Humawak ako sa braso niya pero iwinaksi niya lang iyon.
"I'll confiscate all your means of communication for now. Paano mo kakausapin ang taong ayaw ngang magparamdam sa'yo? Pinal na ang desisyon ko, Avianna."
Iyon lang at umalis na rin si Papa. Tinignan ko si Mama. Umiling lang ito at sumunod na rin kay Papa.
"Ate..." Olivia said. She was also close to crying.
Hindi ako kumibo. Tumayo ako at umalis na lang ng bahay. I just want to disappear for now. If I can, I want to find Nyx and talk to him. We have to talk. We have a lot of things to settle.
BINABASA MO ANG
Gusto Kita, Legit
Fiksi UmumWho could have thought that a simple debut party can change someone's life forever? Avianna Muñoz, a 20 year old college student who was always unlucky in love finally heard someone tell her "Gusto Kita, Legit." Will she fall for the trap or will...