Legit, Forty

41 2 0
                                        

narration. May 13, 2021 | 6:35 PM

Avianna

"O ano nang next nating gagawin?" Colton asked. Lahat ay katatapos lang magbihis mula sa activities na ginawa namin buong araw.

"We should eat, duh. Gutom na gutom na ako," si Aisha ang sumagot sa kaniya.

"Hay naku Aisha!"

Gulat kaming lahat na napatingin kay Colton. Bakit ang lakas ng boses ng isang 'to?

"Good idea! Gutom na rin talaga ako!" aniya na ikinatawa na lang namin maliban lang kay Aisha na sumimangot lang.

Ang sungit, miss ma'am.

"Saan tayo kakain?" This time, it was Olivia who popped the question.

"There's this famous restaurant inside this resort, guys. I mean, marami naman kasi nga hindi lang naman isa ang may-ari neto. But why don't we try that one?" ani Ravi.

Everyone agreed kaya sabay-sabay na rin kaming pumunta ro'n. Colton was usually hyper and that kept everyone's attention to be at us. Minsan nga ay napapapikit na lang sina Clarence at Alaric sa mga ginagawa niya.

Kung pwede lang akong makisabay na pagsabihan siya, I definitely would. Kaso hindi naman kasi kami close. That would be embarrassing kaya hinayaan ko na lang until we finally reached the restaurant.

"FINALLY the food is here! Thank you po," Colton said when the orders arrived. It has been thirty minutes of waiting na rin kasi at talagang kumakalam na ang sikmura naming lahat ngayon.

Ngumiti kami at nagsimula na ring kumain. Nyx was extra attentive to me and I just silently thanked him for everything.

Maybe Aisha is right, he'll treat me differently already.

"Would you like this one, Avia?" he asked me while holding the plate of tempura. Nasabi ko kasi sa kaniya noon na paborito ko ang shrimp.

Tumango ako. Ngumiti naman siya at kaagad na linagyan no'n ang pinggan ko. Napansin ko namang tila natahimik lang ang lahat.

Tumikhim pa si Ravi noong tapos na akong alalayan ni Nyx sa pagkain ko. Anong problema nila?

"Kain na uy, may bonfire pa mamaya," ani Olivia.

"Oo nga naman. Ilang minuto lang 'yan, bro. Kakayanin mo pa naman siguro," anas naman ni Colton na may kakaibang tingin pa kay Alaric.

"Tss. Kumain na lang kayo," Alaric replied and with that, he quietly ate without paying attention to any of us already.

Napatingin ako kay Aisha to observe her reaction and unfortunately, I saw her secretly rolled her eyes.

Seriously. What is happening here?

Gusto Kita, LegitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon