M E S S E N G E R
Nyx Ruiz
09-01-2021 | 4:30 AM
Alaric Villarama
Kailan mo babalikan si Avianna? Hinihintay ka no'ng tao ah. Halos isang buwan ka nang walang paramdam sa kaniya.
Tama ba 'yon? Pinangakuan mo 'yon eh. Sabi mo aalagaan mo siya and I believe kasama dapat do'n na hindi mo siya sasaktan sa kahit na anong paraan.
Pati kami naguguluhan na sa'yo. Pati sa amin naman kasi hindi ka na rin nagpaparamdam. Ano bang nangyayari sa'yo, Nyx?
Kausapin mo naman kami oh.
Nyx Ruiz
Alam kong may kasalanan ako sa inyong lahat, Alaric. But can I just ask you to do something for me?
Alaric Villarama
Wow nagparamdam ka rin. Salamat ah.
At ano? Seryoso ka ba sa sinasabi mo? Favor? Naks, ayos ka rin eh 'no.
Nyx Ruiz
It's about Avianna.
Alaric Villarama
Avianna?
Nyx Ruiz
Please take care of her while I'm not yet home. Hindi ko magawang magparamdam sa kaniya at alam kong mali 'yon kasi sinabi kong hindi ko siya sasaktan.
I see everything. Her calls, texts, and chats. May inaayos lang ako rito at alam kong hindi ko na magagawa 'to nang maayos kung magpaparamdam ako sa kaniya. I might just drop everything and go home and it's something that is not good for the both of us. Gusto ko lang din siyang protektahan, dude.
Please understand me. Please do it for me. Alagaan mo siya.
Alaric Villarama
Tss. Hanggang kailan ka pa riyan?
Nyx Ruiz
Hindi ko rin alam. Baka hindi muna ako makapag-aral. Kailangan ko lang tapusin 'to. Just promise me you'll take care of Avianna for now, okay?
Alaric Villarama
Gagawin ko 'to para sa kaniya at hindi para sa'yo. Pero gusto ko ring sabihin na baka dahil dito, hindi ko mapigilan ang sarili ko at gawin ko ang mga bagay na matagal ko nang gustong gawin kasama siya.
Alam mong gusto ko siya at gusto kong sabihin sa'yo na hindi pa rin nagbabago 'yon.
Kung sa dalawang buwan wala ka pa rin, I'm sorry but I'll make sure na hindi mo na siya mababalikan.
Nyx Ruiz
Do what you want, dude. Kung bibitawan niya ako sa loob ng dalawang buwan, sege. Hindi na ako manggugulo pa. Pero kung makabalik ako sa panahon na 'yon at hindi pa rin siya bumibitaw sa akin, pasensiya na pero babawiin ko pa rin siya.
Alaric Villarama
Sege, game.
Nyx Ruiz
Game.
Seen
BINABASA MO ANG
Gusto Kita, Legit
Ficción GeneralWho could have thought that a simple debut party can change someone's life forever? Avianna Muñoz, a 20 year old college student who was always unlucky in love finally heard someone tell her "Gusto Kita, Legit." Will she fall for the trap or will...
