T E X T M E S S A G E
Jade
09-03-2021 | 04:35 AMAvianna
Hoy gising ka na ba o patulog pa lang?Jade
Grabe ka sa'kin. Kakagising ko lang. Bakit na naman?Avianna
Anong bakit na naman eh ngayon na nga lang kita kinausap ulit eh.Jade
Oo nga eh. Gano'n kakapal ang mukha mo.Pero nga pala. Narinig ko nangyari ah. Nakwento ni Oliver sa amin kagabi. Ano, ayos ka lang ba?
Avianna
Hindi pa sa ngayon.Pero magiging ayos din ako.
Pero iba ka rin eh 'no? Ang chismoso mo.
Charot.
Jade
Tss. Ano ba kailangan mo? Hindi na lang chinat, paubos na unli text ko eh.Avianna
Ang poor mo naman.Charot. Jogging tayo. Gusto ko kumalma utak ko. Baka kailangan ko lang lumabas nang ganito ulit kaaga.
Saka matagal-tagal na rin naman simula noong magjogging tayo nang magkasama. Alam kong namiss mo na ako.
Jade
Feeler ka ghorl? Buti sana kung si Olivia ka eh.Avianna
O edi sege, hindi mo na ako miss.Pero jogging pa rin tayo. Hindi rin naman kita miss eh. Wala lang akong kasama kasi alam mo naman 'yong crush mo hindi mahilig. Si Aisha naman baka tulog pa.
Jade
Bakit hindi mo ayain si Nyx? Hindi mo naman siya kukunin sa anak niya. Jogging lang eh.Avianna
Kahit kailan ang sama ng lahi mo.Napakabully mo eh 'no?
Jade
Biro lang huy. HAHAHAPero baka mamaya naman iyakan mo lang ako sa daan ah. Baka may memory kayo sa jogging. Itutulak talaga kita.
Avianna
Kahit kailan wala kang pakialam sa'kin 'no?Una pa kitang itulak diyan eh. Baka ikaw kasi umiyak kasi hindi ka pa rin gusto ni Olivia.
Jade
Papasama ka ba talaga? Bakit mo 'ko inaaway?Avianna
Inaaway mo rin naman ako! 😤Sege na nga! Maghahanda na ako. Daanan mo ako rito sa bahay ah. Sasapakin kita talaga kapag hindi mo ako pinuntahan dito.
Jade
Napakabossy mo pa rin kahit broken ka.Pero sege madam. See you!
Read
BINABASA MO ANG
Gusto Kita, Legit
General FictionWho could have thought that a simple debut party can change someone's life forever? Avianna Muñoz, a 20 year old college student who was always unlucky in love finally heard someone tell her "Gusto Kita, Legit." Will she fall for the trap or will...