Legit, One Hundred Eight

37 1 0
                                        

M E S S E N G E R

pre's
09-04-2021 | 09:45 AM

Alaric
Hoy Colton.

Ano na namang pinagsasasabi mo sa Twitter?

Ravi
Same question.

Colton
Hello my dear friends.

Kumusta ang buhay nating lahat?

Clarence
Napakadami mong sinasabi. Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo na. 'Wag nang maraming kuda.

Colton
replied to Clarence
'Wag nang maraming kuda because uhaw ka na rin sa chismis? HAHAHA

Clarence
😏

Alaric
Ano ba kasi 'yon? Hindi na lang sabihin agad eh. Dami pang inaarte, parang babae.
Colton reacted with "😆"

Colton
replied to you
Parang babae ka rin naman kakahintay ng kwento, 'tol.

Pero sege ito na para sa kapayapaan ninyong lahat.

May nalaman ako galing kay Aisha na galing din naman kay Olivia.

Clue, pareng Alaric? Alam mo na 'no?

Alaric
Ah. Ayon ba?

Bilis ng balita ah.
Colton reacted with "😆"

Colton
replied to you
May pakpak ang chismis, brader.

Ravi
So sasabihin niyo ba sa amin o kailangan pa naming tanungin 'yang mga jowa ninyo?
Colton reacted with "😆"

Clarence
replied to Ravi
(2)
Colton reacted with "😆"

Colton
Chill, mga dude pare chong. Ito na nga ikekwento na eh.

Clarence
Ano nga? Daming arte eh.
Colton reacted with "😆"

Alaric
Paano makakapagkwento 'yan kung ang dami niyo ring tinatanong? Hayaan niyo lang kasi siya.

Ravi
replied to you
Hindi ayon 'yon.

Paano makakapagkwento 'to eh ang daming sinasabi? Tawa pa nang tawa.

Ikaw na lang kaya magkwento, alam mo naman pala eh.
3 people reacted with "😆"

Alaric
Syempre alam ko, ako ang involved eh.

Basta ang summary lang no'n, matagal ko nang gusto saka kilala si Avianna. And when I say matagal, I don't mean it from Olivia's 18th birthday. Ibig sabihin talagang matagal na, bago pa siya makilala ni Nyx.
Clarence and Ravi reacted with "😯"

Colton
See? Nagulat din kayo 'no? Ako rin eh. HAHAHA

Pero naiintindihan ko na rin kung bakit gano'n ang pinapakita ni Alaric kay ate Avianna kahit noong nandiyan pa si pareng Nyx.

Matagal naman na palang gusto eh. Wala lang pagkakataon.

Clarence
Ang sabihin mo, torpe lang talaga. Aba ang dami niyang pagkakataon kahit dati ah. Kahit chat lang.

Alaric
Everything has a purpose.

It's okay if it took so long for us but at least now, we're here. Kahit matagal pa ang ilalaan para sa healing process niya, at least mas may chance kasi nakapasok na ako sa buhay niya and I have no plans of going out.

Ravi
Solid, pre. That's how you treat a girl.

Tho nagawa rin naman ni Nyx ang makakaya niya para mapasaya si Avianna.

Clarence
Yes. We can't hate him for his choices forever.

Alaric, kailan mo siya balak kausapin nang maayos? 'Yong walang galit o hinanakit kasi sinaktan niya ang babaeng gusto mo.

Magkakaibigan pa rin naman tayo rito. Kailangang ayusin pa rin natin 'tong tropahan natin dito dahil pinangako rin naman natin noon na hindi tayo masisira nang dahil lang sa babae.

Our friendship is more than that. Kaya ayusin ninyo 'yan.

Colton
I agree Alaric. Mahirap din kasi mabuhay nang may galit ka o kahit hinanakit lang. You can't fully move forward with your life and eventually, it will cause you bitterness.

Mahirap 'yon ah. Walang saya ro'n.

Ayusin mo ang dapat mong ayusin. In that way, I think mas magiging deserving ka rin kay ate Avianna.

Alaric
Nakakausap ka pala nang matino, Colton?
Colton reacted with "😤"

Biro lang, haha.

Alam ko naman ang lahat ng pinupunto ninyo. At wala rin naman akong balak patagalin 'tong alitan namin ni Nyx.

Alam kong mas solid kami rito.

Mas gusto rin naman kasi ni Avianna na magpatawad ako lalo na kasi alam niyang nauna muna ang pagkakaibigan namin bago siya dumating sa buhay namin.

But of course I won't forgive Nyx just because Avianna tells me to do so. O dahil sinasabi niyo sa akin. Magpapatawad ako kasi alam ko ring hindi ko kayang hindi maging kaibigan si Nyx.

Solid 'yon eh. Tropa 'yon mula noon hanggang ngayon at anuman ang mangyari, kaibigan ko pa rin 'yon. Kaibigan pa rin natin 'yon.

Ravi
Masaya akong may ganiyang mindset ka.

That's good, bro. Solid. 👌

Clarence
Solid.

Colton
Liquid.

Awts, seen.
Seen

Gusto Kita, LegitMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon