Legit, Seventy Nine

33 0 0
                                        

P H O N E C A L L

best guy ♡
07-31-2021 | 1:12 PM
00:01

"Hi, Avia!"

"O. Napatawag ka?"

"Bawal bang tawagan ang crush ko?"

"Ses, arte."

"/laughs. May ginagawa ka ba ngayon?"

"Bakit? Aayain mo ulit akong lumabas?"

"Kuha mo. Lakas talaga ng radar mo kapag date ah. Parang lagi mong inaantay."

"Ang kapal ng mukha mo, Ruiz ah. Parang ako 'yong laging excited na makipagkita."

"Medyo. /*laughs."

"Baliw. Ewan ko sa'yo."

"So may ginagawa ka nga o wala?"

"Wala naman. Pero ngayon talaga? Ang init kaya. Parang masusunog balat ko kung lalabas ako ngayon. Ang taas ng sikat ng araw oh."

"Hindi ko naman alam na bampira ka pala."

"Kahit kailan na lang talaga 'no."

"/*laughs. Biro lang. Inaaya kita lumabas pero wala naman akong sinabing ngayon mismo. Susunduin kita mamaya kapag mas malilim na."

"Edi sana sinabi mo agad."

"Sorry na nga oh. Basta get ready for later. Okay? I'll see you."

"Okay. I'll see you."

C A L L E N D E D
0:25

Gusto Kita, LegitMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon