Legit, One Hundred Eleven

36 2 0
                                        

narration. September 6, 2021 5:15 PM

Avianna

"Ang sarap naman ng hangin dito," komento ko habang yakap ang mga tuhod kong nakatingin sa dagat na nasa harapan namin.

Dito ako dinala ni Alaric matapos ang buong araw na magkasama kami. Napagod ako kaya gusto ko na sanang magpahinga pero hindi ko inasahan na dito muna kami mapapadpad.

"Yes. Kaya dito kita dinala kasi alam kong magugustuhan mo ang lugar na 'to," sagot niya lang naman sa akin.

Ngumiti ako at saglit siyang binalingan ng tingin.

"Salamat," I said with a smile on my face.

"You're welcome, suki," anito.

Sumimangot ako sa sinabi niya pero tinawanan lang ako nito.

Huminga ako nang malalim at linanghap ang sariwang hangin na dulot ng lugar. Kailangan ko ng mga ganito ngayon dahil kahit naman lumalabas na ako ulit, nasasaktan pa rin ako.

Naiisip ko pa rin si Nyx. Ang maraming what ifs naming dalawa. Ang maraming sana ko tungkol sa kaniya.

Sana mas maaga kong sinabi na gusto ko siya.

Pero kapag naman naiisip ko ang gano'n, nasasaktan lang din ako kasi kahit noong mga panahon na magkasama kami buntis na rin naman si Amanda.

I really can't take him away from her. Maybe... they are the ones that are meant to be together.

Hindi iyon kaming dalawa, and that thought still pains me. Para akong sinasaksak ng maraming karayom dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Dahil kahit gaano namin kagusto na magsama, alam naming dalawa na hindi pwede.

"Iniisip mo ba siya?" Alaric asked as if he was walking on eggshells.

Tumango ako at ngumiti nang malungkot.

"Ilang araw pa lang naman kasi ang nakalipas. Nasasaktan pa rin ako," sagot ko.

"But you know? I'm proud of you for doing the right thing," he said.

"You had a contribution to that. I wouldn't have done it if you weren't there. Pabalik na ako sa loob di'ba? I was about to get selfish. Kaya thank you rin."

"You were just full of emotions that day. Pero alam kong gagawin mo pa rin ang tama kahit wala ako ro'n."

"Talaga? Ganiyan kalaki ang tiwala mo sa akin?"

"Palagi naman akong naniniwala sa'yo."

"Well, thank you."

We went silent after that. Hindi ko na rin naman alam ang sasabihin ko kaya minabuti kong maging tahimik na lang.

Akala ko hindi na magsasalita si Alaric pero nagkamali ako dahil muli ko siyang nadinig sa tabi ko.

"Alam mo bang matagal na kitang kilala?" he blurted out which made me confused so I turned my head to look at him.

"Five months?" I asked.

"No. I've known you since high school," tugon nito.

Nanlaki ang mga mata ko nang dahil sa narinig. This is quite big of a revelation for me.

"Talaga?" Kunot-noong tanong ko rito pero bahagya ring nangingiti. I'm amused by what he just said.

"Nakita kita sa event noon. I had to support my friend which was your friend and classmate as well. Hindi lang ako lumapit kasi alam ko namang busy ka. Iyon din ang rason kung bakit hindi tayo naipakilala sa isa't-isa. You were a staff that day."

"Anong event?"

"Buwan ng Wika."

"Oh, really. I only became a staff for Buwan ng Wika once in my life. That would probably be four years ago."

"Yes, four years ago. Kaya four years ago rin kita naging crush."

Natawa ako sa sinabi niya. "Kaya naman pala gano'n ka kaagresibo kahit noong nandito pa si Nyx eh. Maybe you have been waiting for this moment to come. I mean, to be near me."

Tumango siya. "You're right."

"Do you think you'll ever get to like me instead of him if we were introduced that day?" he asked afterwards.

"Hmm..." I looked at the waves again.

"Siguro. Pwede. Baka," mahinang tugon ko na lamang.

"Baka tayo na ngayon 'no?"

We both laughed at his remark.

"Baka."

"Pero kagaya ng sinasabi ko sa'yo palagi, andito lang ako. Nahintay na kita nang apat na taon. Ano ba naman 'yong ilang taon pang paghihintay, di'ba?"

Ngumiti ako. "Thank you for always being honest with me, Alaric. That means a lot."

"Thank you for always listening and believing in me. That also means a lot. It gives me hope that there can be a future waiting for us."

"There is, Alaric. Maybe," I said and he just smiled.

Natahimik na ulit kami at dinama na lang ang hangin na dulot ng lugar. Parehas naming pinakinggan ang tunog ng alon pati na rin ang pinagdugtong-dugtong na tibok ng aming mga puso.

Gusto Kita, LegitMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon