narration. September 01, 2021 | 3:40 PM
Avianna
Buildings and the skies. Iyon ang nasa harapan namin ni Nyx ngayon habang nakatayo rito sa rooftop ng hospital kung saan nakaadmit si Amanda.
I could feel the cold breeze in here... but what hurts the most is the coldness between me and him. Ramdam na ramdam ko ang pader na namamagitan sa aming dalawa ngayon.
Paanong hindi, di'ba? Isang buwan ko siyang hindi nakita at nakausap tapos ito pa ang bubungad sa akin ngayong lumitaw na ulit siya.
The guy of my dreams, and the guy who promised to love me, never hurt me, take me out every 17th of May every year and on random days as well, got his ex-girlfriend pregnant.
How can I ever handle this?
Ano nang gagawin ko kung matatapos na nga ang lahat sa aming dalawa? Where will I be on my next birthday? Who will I be with?
If it's not him, I think my next birthdays would be lonely already. He's been a big part of my life even if we met only a few months ago.
Paano na ako kung mawawala siya? Kakayanin ko bang ipagdiwang ang araw ng kapanganakan ko kung hindi siya ang lalaking makakasama ko?
Kakayanin ko bang mawala siya sa buhay ko nang tuluyan?
"Wala ka bang gustong itanong?" Pagbubukas niya ng usapan pagkatapos huminga nang malalim.
Tumingin ako sa kaniya. He's not even looking at my direction. Ang sakit. What did I ever do to deserve this kind of pain? Nagmahal lang naman ako di'ba?
Nagmahal lang naman ulit ako. Binuksan ko lang naman ulit ang puso ko para sa isang lalaki. Para sa kaniya.
"Marami akong gustong itanong, Nyx," tugon ko na lang at hindi na rin siya tinignan. I'm afraid I'll just break down beside him if I keep looking at his direction.
Ayoko munang mangyari 'yon hangga't hindi pa nasasagot ang mga katanungan ko sa kaniya.
"Then, ask. Shoot all your questions, I'll answer them honestly," he again said and put both of his hands inside his pockets.
"What happened to us? What happened to your promises? Sabi mo may aayusin ka lang di'ba? Akala ko ba may hinihintay pa ako?" Panimula ko habang pinipigilan ang pagtulo ng luha galing sa mga mata ko.
Gusto ko munang maging matatag dahil hindi ko alam kung hanggang saan ako kayang saktan ni Nyx. Gusto kong ihanda ang sarili ko para sa lahat ng mga mangyayari ngayon kahit pakiramdam ko hindi ko naman talaga kakayanin.
"She was pregnant even before we broke up. Something happened to us before she left and I had no idea."
Hindi ako kumibo.
"Umalis pala siya noong malaman na buntis siya dahil natakot siyang malaman ko. She thought I would abandon her. She also had to take care of her health kaya naisabay na rin 'yon. She fell ill for a while but then recovered after some time," pagpapatuloy niya.
"Bagong break kayo noong magkakilala tayo?" I asked.
Tumango naman siya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Pakiramdam ko isinampal sa akin na rebound lang ako kahit wala pa naman talaga siyang sinasabing gano'n sa akin ngayon.
BINABASA MO ANG
Gusto Kita, Legit
General FictionWho could have thought that a simple debut party can change someone's life forever? Avianna Muñoz, a 20 year old college student who was always unlucky in love finally heard someone tell her "Gusto Kita, Legit." Will she fall for the trap or will...
