narration. July 28, 2021 | 3:01 PM
Avianna
"Anong nangyari sa'yo? Nasaan si Nyx?" Alaric asked as soon as he saw me.
Huminga ako nang malalim at uminom mula sa kape ko. Kanina pa ako rito sa cafeteria. Marami nang dumating at umalis... pero hindi kasama si Nyx do'n.
Nasaan ba kasi siya? Why does Amanda have his phone? Bakit hindi man lang siya nagsabi sa akin?
I mean, oo hindi naman kami. Parang wala akong karapatan na magreklamo. But I just feel really bad about this. Hindi ko maintindihan ang sarili ko ngayon.
"Where is he?" Alaric blurted out the question once more.
I looked at him. It felt embarrassing to ask but I needed to. "Does he still have contact with his ex, Alaric? May alam ka ba ro'n?"
"His ex? Sino ro'n eh marami nang naging ex 'yon."
I rolled my eyes and in a small voice I said, "Amanda."
Bigla siyang napaayos ng upo at taimtim akong tinignan.
"Amanda?" he asked.
"Yes, Amanda." Tumango pa ako.
"The one who cheated on him?"
"Ano ba Alaric. Oo nga kasi. Iyon nga. Nag-uusap pa ba sila no'n?"
"Why would they? She cheated on him."
"So hindi ba o oo? Anong sagot mo?"
"Hindi na. Matagal na silang hindi nag-uusap no'n. He despises her. Bakit mo ba naitanong? Did something happen?"
Hindi ako kumibo sandali. Tama bang kay Alaric ko sinasabi ang tampo ko kay Nyx? Sa kaniya na umamin na gusto niya ako?
Sa kaniya na ginagawa ang lahat para sa akin kahit hindi ko siya madalas pansinin?
Sa kaniya na sinasamahan ako kahit alam niyang hindi siya ang gusto ko?
"Hey. I know what you're thinking."
Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. Once again, I took a sip on my coffee.
"I'm okay, Avianna. If you have problems with Nyx and you have no one to talk to about it, sa akin mo sabihin. It's okay."
"Seryoso ka ba?" Kunot-noong tanong ko sa kaniya.
"Why not? I just want to listen to you. Sinabi ko rin naman ang nararamdaman ko hindi para suklian mo eh. Sa kabila ng lahat ng ginagawa ko para sa'yo these past two months, alam ko kung ano ang standing ko sa buhay mo and I'm fine with it. I just want to make you feel that I am sincere when I told you that I like you."
I felt a warmth in my heart upon hearing what he said. Hindi ko maintindihan pero sobrang natuwa ang puso ko sa narinig ko. Alam kong mahirap kasi hindi ko naman masusuklian ang nararamdaman niya pero hindi pa rin siya tumitigil. Hindi siya sumusuko and he has always been there for me.
"Alam kong magaling kang makinig at magbigay ng payo sa iba. That's your strength. But don't you need someone to listen to you too?"
"You're too nice," I commented.
"Hindi ako nice sa lahat ah. Sa'yo lang kasi gusto kita."
Tumawa ako sa sinabi niya. "Hindi ba comflirt 'to?"
He laughed at that as well. "Hindi ako gano'n. Pero pwede rin naman."
"Baliw ka."
"Sa'yo lang."
"Tss."
"Biro lang. Basta, kapag wala nang ibang makikinig sa'yo asahan mong andito ako. Makikinig ako sa'yo lagi. Okay?"
Tumango ako. "Thank you, Alaric."
"So ano ngang nangyari? You keep on leading me to a different topic. Sabihin mo sa akin kung anong nangyari. Dapat ko na bang sapakin si Nyx?"
"Baliw ka. Walang gano'n." Umayos ako ng upo bago sabihin sa kaniya kung ano talagang meron. "Chinat ko si Nyx kanina para sabay na kaming kumain. Pero hindi nagreply. Ilang beses ko pa inulit. I texted him. I even called him. After ilang minutes may nagreply na. But it was not him. Si Amanda raw siya at may inaasikaso raw si Nyx."
"What?" Nagtagpo agad ang mga kilay ni Alaric.
"Paanong nangyari 'yon?" he asked.
"I don't know. Kaya nga tinanong kita. Pero sabi mo naman hindi na sila nag-uusap eh."
Sumandal siya sa upuan niya saka huminga nang malalim. Hindi rin siya kumibo nang ilang minuto, probably thinking also why Amanda has Nyx's phone.
"I just feel bad. Slight lang naman. Pero kasi sabi niya tatawagan niya ako after ng enrollment niya eh. He told me we'll eat together then go home after. Tapos ganito pala ang mangyayari."
Tinitigan ako nito bago muling magsalita. "Then, have you eaten yet?"
Umiling ako. Hindi na ako nakakain kanina dahil sa kakaisip.
"Sabay na lang tayo. Hindi pa ako kumakain," sabi nito at nginitian ako.
Hindi muna ako kumibo sa sinabi niya. Parang wala akong ganang kumain ngayon.
"Don't think too much. Kausapin mo na lang si Nyx kapag nagkita na kayo. Wala rin akong sasabihin kasi ayokong lumabas na masama sa paningin mo at sa paningin niya. Magkaibigan pa rin naman kami. I still respect him."
I smiled. What a nice guy.
"Thank you so much, Alaric."
"You're most welcome, milady. So, let's eat?"
"Let's eat," tugon ko and we both went to the counter to order something.
Siguro nga hindi ko kailangan mag-isip masiyado. Siguro nga tamang kausapin ko na lang si Nyx kapag nagkita na kami. Hindi naman siguro makakasama sa amin ang rason kung bakit sila nagkita ni Amanda kung totoo man iyon. As much as I want an immediate explanation, alam ko ring mas mabuti kung sa kaniya manggagaling ang lahat.
Speaking and listening. The two most important factor in any kind of relationship and I am glad that Alaric just made me realize that today.
I have to thank the heavens for sending him here today, I guess.
Truly, everything happens for a reason and today, Alaric's being makulit proved that saying to me.
![](https://img.wattpad.com/cover/267104648-288-k80327.jpg)
BINABASA MO ANG
Gusto Kita, Legit
General FictionWho could have thought that a simple debut party can change someone's life forever? Avianna Muñoz, a 20 year old college student who was always unlucky in love finally heard someone tell her "Gusto Kita, Legit." Will she fall for the trap or will...