Legit, Seventy Eight

34 0 0
                                        

M E S S E N G E R

Ravi Santiago
07-29-2021 | 7:20 PM

Ravi Santiago
Tungkol saan na naman tweet mo?

Alaric Villarama
Nagtatanong ka pa eh alam ko namang alam mo kung para kanino 'yon.

Ravi Santiago
Ah. Hindi pala tungkol saan. Para kanino pala.

Oo, hindi na ako magtatanong. HAHAHA

Avianna.

Alaric Villarama
Kung minessage mo ako para lang sabihin ang mga ganiyang bagay, tigilan mo na. Wala ako sa mood ngayon na makisabay sa mga ganiyang trip mo sa buhay.
Ravi reacted with "😢"

Ravi Santiago
Ang sungit naman po, ssob.

Alaric Villarama
Tss.

Ano, 'yan lang ba sadya mo?

Ravi Santiago
Hindi. Tatanong ko lang kung susuko ka na ba? Halos dalawang buwan mo na ring inaalagaan si Avianna pati ang pamilya niya.

Alaric Villarama
Kung ang ibig sabihin ng pagsuko ay ititigil ko ang mga bagay na ginagawa ko ngayon para sa kaniya at sa pamilya niya, baka hindi muna bro. Hindi ko pa kaya.

Pero tingin ko kahit naman anong mangyari gagawin ko pa rin ang mga 'to para kay Avianna eh. Kahit pa nandiyan si Nyx.

Ravi Santiago
Paano kung patigilin ka niya?

Alaric Villarama
Ilang beses niya na akong tinanong kung kailan ako titigil. Ilang beses ko na ring sinagot na wala akong balak.

Pero kung pilitin niya akong tumigil na, gagawin ko para maging masaya siya. Hindi ko na rin sila guguluhin ni Nyx.

Ravi Santiago
Tss. Gusto mo nga siya bro ah. Unang beses 'to. Hindi ka naman ganiyan sa mga babae dati.

Alaric Villarama
Gustong-gusto ko siya, Ravi.
Ravi reacted with "😢"

Bakit ganiyan reaction mo? Ayos lang ako. Haha. Hindi naman kailangang magustuhan niya rin ako dahil lang gusto ko siya. Hindi siya obligado. Basta gugustuhin ko lang siya hangga't kaya ko.

Ravi Santiago
Whipped.
You reacted with "😆"

Sege na. Nakiusyuso lang talaga ako. Itulog mo na lang 'yan.

Alaric Villarama
'Ge. Salamat.

Ravi Santiago
👍
Seen

Gusto Kita, LegitMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon