Legit, Sixty Two

44 1 0
                                        

narration. May 20, 2021 | 6:15 AM

Avianna

I was busy preparing my things for the hike when I suddenly received a phone call. Kaagad kong kinuha 'yong phone at nakitang si Nyx iyon.

Ngumiti ako bago sagutin ang tawag.

"Hi, Nyx!" I said in a lively manner.

"Hello, Avia. Hmm, I think I'll be late for the group's call time. May kailangan lang akong asikasuhin saglit. Pwede bang hintayin niyo na lang ako sa area?" tugon nito sa kabilang linya.

Kumunot ang noo ko pero dahil sinabi niyang may aayusin lang siya, ngumiti pa rin ako pagkatapos.

"Sure, Nyx. I'll tell the others. Thank you for informing me. Ingat ka."

"I will. See you there."

"Okay!"

Ibinaba ko na rin ang tawag at huminga nang malalim. Tinapos ko na ang mga ginagawa ko at kinatok na rin si Olivia sa kwarto niya.

Lumabas naman ito kaagad.

"Susunduin ka ni Clarence, di'ba?" tanong ko rito. Tumango naman siya.

"Bakit? Susunduin ka rin naman ni kuya Nyx ah?"

"May emergency daw siya. Sa inyo na lang din ako sasabay papunta kina Alaric, okay lang?"

"Hmm. Sure ate. Okay lang naman kay Clarence 'yon."

"Sege. Thank you."

Ngumiti lang siya at lumabas na rin kami upang hintayin si Clarence. Hindi rin naman ito nagtagal at agad na rin kaming tumuloy kina Alaric kung saan muna kami magtitipon bago pumunta sa hiking area namin.

Nagulat pa sila noong makita na kina Clarence ako sumabay kaya sinabi ko na rin sa kanila na may ginagawa pa si Nyx at na nagpapahintay ito. Mabuti na lang at naintindihan naman nila kaagad. Kailangan na lang naming hintayin si Nyx ngayon bago kami tuluyang lumakad na rin.

narration. May 20, 2021 | 7:54 AM

"I think masiyado na tayong late para sa hiking. Tirik na tirik na ang araw. Nasaan na ba si kuya Nyx?" Aisha asked with her furrowed brows.

Napatingin silang lahat sa akin. Tinignan ko naman ang cellphone ko. Wala pang chat, tawag, o text si Nyx sa akin simula kanina. Hindi rin naman siya nagrereply sa akin. I doubt he'll take the call if I do ring him.

"Wala pang update eh. Hindi siya nagrereply sa akin," sabi ko na lang.

"Then I think we should go now. Magsasayang lang tayo ng oras kung hihintayin pa natin siya rito," turan bigla ni Alaric.

"Pero Alaric, nakakahiya naman kung iiwan natin siya."

"Nahiya ba siyang paghintayin tayo rito? Hindi man lang niya tayo binibigyan ng update kung ano nang nangyari sa kaniya."

Natahimik ako. Ang sama ng tingin niya sa akin ngayon. Ano bang ikinakagalit nito?

"Okay. Huwag nang mag-away-away. Mas mabuti nga siguro kung mauuna na tayo, Avianna. I'm sure Nyx will understand us if we leave him behind kasi late na nga rin," it was Ravi.

Hindi muna ako umimik. I looked at Olivia and she just briefly smiled at me. I guess, kailangan na nga talaga naming umalis ngayon.

"Okay. Let's go." Tumayo ako at kinuha ang mga gamit ko kasabay ng pagkilos na rin nilang lahat.

"Sa amin ka ba ulit sasabay, ate?" Olivia asked when she went near me. Tumango ako.

"She's going with me," ani Alaric na ikinagulat ko. Ano raw?

"But Aisha's with you, Alaric. Kina Clarence na ako sasa--"

Hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko noong hilahin na ako nito palabas. Ano bang problema nito?

"Aisha halika na! Pwede ka pa rin namang sumabay sa akin kahit nandito si Avianna!"

"Alaric kina Clarence na ako."

"Shut up and get inside the car. You're going with me and that's final."

"Desisyon ka?"

Hindi siya kumibo. Instead, he opened the shotgun's seat door bago ako bahagyang itinulak papasok doon. Wala akong choice kun'di ang maupo na lang.

Nakita ko namang sumunod nang lumabas iyong mga kasama namin. I felt bad when I saw Aisha was not in the mood again. Bubuksan ko na sana ang pinto para bumaba pero hinarangan lamang iyon ni Alaric galing sa labas.

"Where do you think you're going?" he asked.

"Sa likod na lang ako. Si Aisha na rito," tugon ko sa kaniya.

"She'll be okay there. Diyan ka na."

"Ako ang hindi okay. Masikip. Doon na ako sa likod."

"Nope. Not a chance."

He smirked at me before locking the door. Wala akong nagawa kaya nanatili na lamang ako sa kinauupuan ko habang naiinis pa rin kay Alaric. Ano bang trip sa buhay ng lalaking 'to?

May balak ba siyang pagsabungin kami ni Aisha?

Maya-maya pa, sumakay na rin silang lahat. Aisha went behind me and Alaric beside me. Nginitian pa ako nito pero inirapan ko lang siya. I looked at Aisha.

"You want to change seats?" I asked.

"'Wag na. Diyan ka na." Iyon lang at hindi na ako ulit nito kinibo. Sinamaan ko naman ng tingin si Alaric.

"Anong ginawa ko sa'yo at ang sama ng tingin mo?" tanong nito na kunwari ay walang alam.

"Tumigil ka. Magmaneho ka na lang at naiwan na tayo rito."

Humagalpak ito ng tawa kaya hindi ko na siya pinansin at pinili na lang isandal ang ulo ko sa bintana.

Hay, buhay. Ewan ko ba bakit ganito.

Gusto Kita, LegitMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon