Legit, Three

109 4 0
                                        

narration. April 14, 2021 | 2:47 PM

Avianna

"ATE may tao sa labas!" malakas na sigaw ni Olivia galing sa kwarto niya. Napahinga ako nang malalim. Oo naman, naririnig ko na may tao sa labas. Kaya lang tinatamad din talaga akong tumayo at buksan ang gate.

"Ate!" Olivia shouted at the top of her lungs once again. Wala akong nagawa kun'di ang tumayo at silipin kung sino ba ang magulong bisita sa oras na 'to. Medyo umaambon pa tas may pupunta rito?

Seryoso?

"Ate!"

"Bubuksan na! Manahimik ka na nga!" tugon ko rito at iritableng pumunta sa labas ng bahay.

Hindi ko na sinilip kung sino ang nasa labas at basta ko na lang binuksan ang gate para lang salubungin ng limang lalaki. Nanlaki ang mga mata ko. Susko, hindi naman ako nainform na may boy group pala na bibisita rito sa bahay ngayong araw.

"Uh, hi?" I awkwardly said.

"Hello! Andiyan ba si Olivia?" one tall guy asked and I just nodded at him absentmindedly.

"Uh, yes. Nandito siya. Sino po sila?"

"Today is Wednesday, di'ba Miss? We're here for rehearsals," the other guy said. Mas maliit siya kumpara sa naunang lalaki na nagsalita pero mas matangkad pa rin naman siya sa akin ng kaunti.

"Wednesday?" I voiced out.

They all chuckled at the sight of me. Pakiramdam ko para akong tanga rito.

"Ah! Oo nga 'no? Wednesday pala. Sege, sege. Pasok kayo. Nasa loob si Olivia." Binuksan ko nang mas malaki ang gate saka sila pinapasok. Noong makapasok na silang lahat at naisara ko na ang gate, mabilisan din akong pumasok sa loob ng kwarto ko gamit ang pinto na konektado sa kusina namin.

Tinext ko na rin si Olivia na asikasuhin niya ang mga bisita niya at napahiga ako kaagad sa kama ko.

"Naku naman, Avianna. Kahit kailan palpak ka, ano ba naman!" turan ko sa sarili saka ipinikit ang mga mata para huminga nang malalim.

Pero dahil kasali pala ako sa cotillion, ibig sabihin kasama rin ako sa practice ngayon.

Napalo ko ang noo sa naisip. "Ang lutang mo, Avi! Nakakaloka ka."

"ATE, ano? Ready ka na? Dadating na ang ibang bisita ah. Maligo ka na kaya!" Olivia said the moment that she entered my room maybe after entertaining her guests.

"Tss, oo na! Eto na!" I hissed at her.

"Napahiya ka na naman siguro. Paano kasi, tatanggap ng bisita na hindi pa naliligo. Pinaalala ko naman sa'yo kanina na may rehearsals ngayon, hindi ka pa rin nagprepare."

"Hoy tigilan mo ako sa mga ganiyan mong pakikitungo ah. May I remind you, ate mo pa rin ako."

"Whatever. Sege na, maligo ka na! Mabantot."

Binato ko siya ng unan pero kaagad ding nakalabas ng kwarto. Muli naman akong huminga nang malalim saka naghanda na rin para sa rehearsals.

Sana lang hindi sila naniniwala sa "First impression lasts."

Kasi kung oo, katapusan ko na yata.

Gusto Kita, LegitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon